“Are you even living here?” Kagat ang ibabang labi na napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang komento ni Elijah Consunji matapos n’yang i-check ang laman ng fridge ko na alam kong walang ibang laman kundi tubig, can sodas at mga beers! Aba’t sino ba kasing nagsabi sa kanya na may laman na kahit na anong pagkain ang fridge ko?! “That is why I am eating instant noodles! Kasi nga walang laman ang fridge ko!” paninisi ko pa sa kanya kahit na nagsisimula nang uminit ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan! Sanay naman ako sa mga komento na ganito ng mga co-agents, kaibigan at mga kapatid ko sa tuwing pupunta sila dito sa unit ko. Pero dahil ibang tao pa rin na maituturing si Elijah Consunji ay nakakaramdam ako ng hiya dahil nalaman n’ya ito! “I have been super busy lately that I forgot t