Madilim na sa labas nang tuluyang makaalis si Elijah Consunji sa unit ko. At katulad sa mga nauna naming encounter ay gusto ko na namang batukan ang sarili ko dahil sa pagiging padalos-dalos sa mga naging desisyon ko kapag kasama at kausap s’ya. I am not usually the impulsive type. I always think things ahead as much as possible to prevent hassles in the future. At mas napapakinabangan ko ang attitude na gano’n sa mga misyon na ginagawa ko sa ERA. I just can’t believe that things started to change since I met that man! It was like all the possible turn of events in my life were happening way too fast that I couldn’t control any of it! Wala pang kalahating oras simula noong nakaalis si Elijah Consunji sa unit ko ay may narinig akong nagdoorbell kaya tamad na tamad na bumangon ako nang ma