Sobra-sobrang pagtitimpi ang ginawa ko nang makapasok kami ni Elijah Consunji sa loob ng unit ko. Hindi ko alam kung dahil ba nalipasan ako ng gutom kaya mas mabilis na mag-init ang ulo ko o sadyang nakakairita lang talaga ang mga nangyayari kapag magkasama kami! “Can I ask for a glass of water?” Huminga ako ng malalim nang marinig ang sinabi n'ya matapos n'yang pasadahan ng tingin ang buong unit ko. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti s'ya ng bahagya sa akin. Mas lalo lang akong naiinis dahil kalmado pa rin s'ya pagkatapos ng nangyari sa labas ng unit ko. Panigurado ay maya-maya lang, sunod-sunod na ang tawag sa akin ng pamilya ko at mga kakilala! Nagtitimpi na naglakad ako papunta sa kusina at nilampasan s'ya para ikuha s'ya ng tubig. “Just why the hell do you have to personally come he