Emperor's Night

1777 Words
Ilang sandali pa akong napatitig sa message ni Sam sa akin bago nagpasya na ibalik ang phone sa bulsa. Excited na excited na akong magtanong sa kanya tungkol doon at kulang na lang ay ‘wag na akong tumuloy sa office ni Daddy. Pero alam kong may dahilan kung bakit n’ya ako pinatawag dito para kausapin lalo na at kaharap pa si Zion. Tatlong katok sa pinto ang ginawa ko bago tuluyang pumasok sa opisina ni Daddy. Sabay pa sila ni Zion na napalingon sa akin kaya ngumiti ako habang naglalakad palapit sa kanila. “So, what’s our agenda for tonight?” nakangising usisa ko matapos umupo sa couch katabi ni Zion. Nakaharap kaming dalawa kay Daddy kaya nakita ko pa kung paano s’ya sumulyap saglit sa akin nang magtanong ako. Ilang sandali pa ay tsaka ko lang napansin ang pag seryoso sa mga mukha nila. Napaayos ako ng upo matapos tumikhim at pasimpleng tinapunan sila ng tingin. Ilang sandali lang ay nagsalita na si Daddy kaya tuluyang napaharap na ako sa kanya. “Go and train to be one of the agents of YBS Detective Squad, Devon…” seryosong sambit ni Daddy na ikinagulat ko. Ilang sandali pa akong natulala sa harapan n’ya bago tuluyang na-proseso sa isip ang sinabi n’ya. “But, Dad–” mahinang bulalas ko dahil sa pagkabigla sa sinabi n’ya. Being one of the agents of YBS Detective Squad means I need to be committed and prioritize the organization. And that would also mean… I have to leave my job! “Why? You don’t want to?” tanong ni Daddy nang ilang sandali na ang nakakalipas ay hindi ko na nagawang dugtungan ang sinasabi ko. Mabilis na umiling ako at napakamot sa noo habang iniisip kung paano kong ipapaliwanag sa kanya ang dahilan kaya ako tumatanggi sa offer n’ya. “It’s not that I don’t want to accept that,” umiiling na paliwanag ko habang nag-aangat ng tingin sa kanya. “Hindi pa lang po ako prepared na iwanan ang trabaho ko–” “Then prioritize your work and just leave the organization now,” mabilis na putol ni Daddy sa sinasabi ko kaya tuluyan na akong napamaang sa mukha n’ya. Ilang sandali pa kaming nag sukatan ng tingin bago ko tuluyang nakuhang seryoso s’ya sa sinasabi sa akin ngayon! “Y-you mean to say… I should just leave the organization if I decide to decline your offer to be one of the agents in YBS Detective Squad. Is that it, Dad?” tanong ko pa kahit na malinaw na malinaw naman sa akin ang ibig n’yang sabihin. “Yes, Devon. It’s either you leave the organization to focus on your job as a reporter or you will leave your job and be one of the agents of YBS Detective Squad,” mas malinaw na paliwanag n’ya kaya tuluyan na akong napasinghap at mas lalong nahirapan sa pagdedesisyon. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong maging bahagi ng organization ay para maging isang effective na reporter. Hindi ako nagbabalita at nagbibigay ng impormasyon na kung anu-ano lang at kung saan-saan lang nagmula. I choose to be an efficient and credible reporter who will tell the world only facts. At ang pagiging isa sa mga agents ko sa ERA ang nagsanay sa akin para magawa ng malinis at maayos ang trabaho ko. At ngayon na kailangan kong bitawan ang isa para magconcentrate sa isa ay parang hindi ko yata kakayaning magdesisyon agad. Kailangan kong pag-isipan ang mga magiging desisyon ko dahil ayaw kong pagdating ng panahon ay meron akong pagsisihan. Huminga ako ng malalim at agad na sinalubong ang mga tingin ni Daddy bago sabihin ang gusto kong mangyari. “Can I decide after a week, Dad? I really can’t do this now. I need to sort out things and clear my mind first before I decide anything,” nakikiusap na sambit ko. Ilang sandaling tumitig s’ya sa akin bago binalingan ng tingin si Zion na tahimik lang na nakamasid sa aming dalawa. “Alright,” sambit ni Daddy. “If you ever decide to join the YBS Detective Squad, Zion will help you with the training…” sambit n’ya pa kaya napasulyap ako sa gawi ni Zion na nananatili lang ang tingin kay Daddy. Napasinghap ako at saka wala ng nagawa kundi ang tumango. Halos tulala ako nang tumayo para lumabas sa opisina ni Daddy. Napatigil ako sa paglalakad palabas nang muling magsalita s’ya na mas lalo ko pang kinagulat. “You are now banned from taking any mission from ERA since you said you want to clear your mind for a week,” sambit ni Daddy. Napalunok ako at saka tumango na lang din sa sinabi n’ya. Laglag ang mga balikat ko nang tuluyang makalabas sa opisina n’ya at maalala ang message ni Sam sa akin tungkol sa Black Tulips. Now that I am banned from taking any mission, I am also banned from meeting and communicating with the other agents. Mas lalo lang tuloy akong nanlumo at kahit late na ay naisipan kong lumabas at pumunta sa isang lugar kung saan malayo ang isip ko sa trabaho ko bilang reporter at sa pagiging undercover agent ko. “Wow! Look who’s here!” Hindi na ako nagulat nang makatanggap agad ng kantyaw mula kay Taya, ang barista ng bistro na madalas kong tambayan noong mga panahong bagong-bago pa lang ako sa propesyon ko bilang isang reporter. Coffee Haven had literally become my refuge when I was on the verge of giving up because being a reporter wasn’t as easy as it seems! It’s been almost a year since I last came here. Ineexpect ko nga na nakalimutan na ako ng mga staff ng bistro na ito pero mukhang hindi gano’n ang nangyari dahil ngiting-ngiti sila sa akin nang pumalakpak si Taya para kuhanin ang order ko. “The usual,” nakangising sambit ko sa isang barista din doon na halos makalimutan ko na ang pangalan kung hindi lang binanggit ni Taya. “Slushy iced coffee, Andrew…” sambit ni Taya kaya ngumiti si Andrew sa akin bago tumalikod para gawin ang order ko. “Wala man lang nagbago dito,” komento ko pa nang maiwan kami ni Taya sa isang side ng counter. Tumawa s’ya at saka eksaherada na tumikhim bago nangalumbaba sa harapan ko at ginalaw-galaw ang mga daliri sa kaliwang kamay. “Anong walang nagbago? Meron kaya!” nakangising parinig n’ya. Umawang ang bibig ko nang mapako ang tingin sa isang daliri n’ya na may suot na engagement ring! “Whoa! Kelan pa?” hindi makapaniwalang tanong ko. Tumawa s’ya bago umayos ng upo at ngiting-ngiti na sinagot ang tanong ko. “Last month lang,” sagot n’ya at kinagat ang ibabang labi. Noon ay isa s’ya sa mga taong hindi naniniwala sa pag-ibig pero ilang taon lang ay ito na s’ya at mukhang in love na in love! Love moves in mysterious ways indeed! Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan doon habang inuubos ang order kong iced coffee. Hindi ko akalain na sa pagpunta ko dito ay may makukuha akong information tungkol sa bar na ilang gabi ng gumugulo sa isip ko–ang Black Tulips. “Do you know how to dance?” tanong sa akin ng mapapangasawa ni Taya na si Zack. Half British ito at nalaman kong kasalukuyang manager ng Black Tulips. “Dance?” tanong ko at napasulyap kay Taya na agad sumingit sa usapan namin. “Stop it, Honey. Devon can dance but she definitely cannot dance in a club. She’s not the kind who will do that for money,” mariing tutol ni Taya kaya agad na napakunot ang noo ko nang hindi makuha ang pinag-uusapan nila. “‘Wag mong intindihin ‘yon, Devon. Namomroblema kasi ‘yan para sa gaganaping Emperor’s Night sa bar kung saan s’ya nagtatrabaho,” paliwanag ni Taya. Dahil doon ay mas lalo tuloy akong na-curious sa mga sinasabi n’ya. “Emperor Night?” tanong ko. Tumango s’ya. “Yeah. It was like a tradition in their club to welcome the newest patrons,” paliwanag n’ya. Nang marinig iyon ay mas lalo akong naging interesadong malaman ang tungkol sa event na sinasabi n’ya. “Who will welcome those patrons?” tanong ko pa. “The Emperor himself,” sagot ni Zack nang marinig ang tanong ko kay Taya. Napaharap na ako ng tuluyan sa kanya nang marinig ang sinabi n’ya. Malakas ang kutob ko na ito na ang sagot sa ilang linggo ko ng pag-iisip tungkol sa kaugnayan ng Elijah Consunji na ‘yon sa Black Tulips. “Who’s the emperor? The owner?” sunod-sunod na tanong ko. Umiling si Zack. “He is not the owner of that club. The emperor is the head of the patrons. He has the biggest contribution to the club,” sagot nito. Napasinghap ako at agad na naalala ang sinabi ni Heaven na isang private room umano doon na walang camera. Paniguradong ang emperor na sinasabi ni Zack ay ang umookupa sa private room na ‘yon. Mabilis ang naging response ng isip ko sa mga impormasyon na nakalap ko. “Why are you asking if I can dance?” tanong ko kay Zack. Hinawakan agad ni Taya ang kamay ko at nang lingunin ko s’ya ay pinandidilatan na n’ya ako ng mga mata pero hindi ko na pinansin iyon at muling binalingan si Zack na kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa akin. “Do you need my help?” tanong ko na. Tuluyan nang napaungol si Taya at agad na hinila ang kamay ko palayo sa mapapangasawa n’ya. “What the hell are you up to, Devon?” sita n’ya kaagad sa akin nang mapalayo kami ng konti sa gawi ni Zack. Nagkibit balikat ako at patay malisyang tiningnan s’ya. “I’m bored these days, Taya. I feel like wanting to experience something that I have never done before,” natatawang bulalas ko. Kumunot ang noo n’ya habang nakatingin sa akin. “Devon! Hindi lang ‘yon basta-basta club lang katulad ng iniisip mo,” mariing babala n’ya sa akin. Mas lalo lang akong ngumisi dahil sa sinabi n’ya. “Then that would be even more exciting!” careless na bulalas ko. Awang ang bibig n’ya habang nakatingin sa akin bago muling hinila ang braso ko para mapalapit ako sa kanya. Tinapat n’ya ang bibig n’ya sa tenga ko at saka bumulong. “Pwede kang i-kama ng kahit na sinong patron doon kapag natipuhan ka! And you can’t decline because that’s part of your job as a dancer exclusively for that event!” mariing babala n’ya habang binibigyan ako ng seryoso at makahulugang tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD