Black Tulips

1421 Words
Mag-iisang linggo na simula noong natapos ang huling misyon ko sa Singapore ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang na-received kong tip mula sa isang unknown confidant. Kahit na anong gawin kong iwas sa pag-iisip tungkol doon ay pilit pa ring bumabalik lalo na at sa tuwing nandito ako sa bahay ay palagi kong nakikita sa TV at sa kung saan-saang media outlet ang mukha ng Elijah Consunji na ‘yon. Hindi kaya masyadong maluwag lang ang schedule ko ngayon kaya ang misteryosong lalaki na ‘yon ang napagdidiskitahan ko? O baka tama si Sam nang sabihin n’yang obsessed lang ako kay Elijah dahil s’ya ang center of attention ng media? Ipinilig ko ang ulo ko at inis na napatingin na naman sa TV na kasalukuyan na namang ine-air ang isa sa mga interviews ng Elijah Consunji na ‘yon dahil napapabalitang nagdonate s’ya ng milyon ang halaga na mga machineries and equipment sa mga magsasaka sa isang bayan na kalapit lang ng San Sebastian. At dahil doon ay pinag-uusapan na naman s’ya dahil sa pagiging considerate umano nitong gobernador dahil hindi lang ito sa lungsod na nasasakupan nito tumutulong kundi pati na rin sa iba pang mga lugar. “I don’t think Elijah Consunji will ever find himself a wife who will suit the people’s taste…” Kunot ang noong napatingin ako sa kakarating lang sa living room na si Dasha. I’m currently here in our mansion because our Dad asked me to come. Halos isang buwan na rin kasi akong hindi umuuwi dito kaya miss na miss ko na ang mga lutong bahay. “Sayang naman ang genes kung hindi mapaparami ang lahi,” narinig ko pang komento ni Dasha matapos akong tabihan sa couch. “Ang gwapo gwapo n’ya talaga, Ate Devon. Kung hindi s’ya mapapasakin ay kahit sa’yo na lang,” parang nagde-day dreaming na sambit pa nito at niyakap ang pinulot na cushion sa tabi ko. Hindi ko na itinago ang disgusto sa mukha ko nang marinig ang sinabi n’ya kaya nang lingunin n’ya ako ay halos matawa s’ya sa pagkalukot ng mukha ko. “Why, Ate? Masyado bang mataas ang standards ko para sa’yo? I don’t think of any other guys who suit you aside from the likes of Elijah Consunji. S’ya lang papasa sa taste ko,” she uttered loud and proud! Mas lalong nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi n’ya. Dasha is the epitome of beauty. Hindi lang sa panlabas na anyo nito ito maganda kundi pati ang mga taste nito ay puro high standards at kakaiba sa karamihan. No wonder, she’s really one of the stars in her generation. Sikat na sikat at pinagkakaguluhan kaya naman kahit kailan ay hindi s’ya pinayagan ni Daddy na maging isa sa mga agents ng ERA dahil bukod sa delikado para sa kanya ay mas delikado para sa organization kung maiinvolved ito sa pangalan ni Dasha na katulad ni Elijah Consunji ay halos laman ng mga media outlets ang pagmumukha halos araw-araw. “Elijah Consunji was never listed in my option, Dasha. I don’t even find him handsome at all,” sambit ko at pinulot ang remote para ilipat ang channel. Narinig ko pa ang reklamo ni Dasha pero agad na napatigil nang narinig namin ang boses ni Daddy. Sabay pa kaming napalingon ni Dasha sa hagdan kung saan bumababa s’ya kasama si Mommy. Napangiti ako nang makita silang dalawa. Alam kong hindi sila ang totoo kong mga magulang. Kahit kailan ay hindi nila nilihim sa akin ang pagkatao ko pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman na hindi ako kabilang sa pamilyang ito. Even Dad’s family is treating me like I’m a legitimate Gozon. Minsan ay mas vocal pa si Lolo na sabihing ako ang paborito n’yang apo. “Did you just arrive, Devon?” tanong agad ni Daddy nang tuluyang nakalapit sila sa amin. Tumayo ako at sinalubong sila ng yakap. Nginitian at tiningala ko si Daddy. “Kaninang tanghali pa, Dad. Late lang akong nakababa dahil mukhang namiss ako ng kama ko kaya nakatulog ako agad pagdating,” nakangising biro ko. Pinisil n’ya ang baba ko. “Why don’t you consider staying with us again then? Your Mom is always asking you to me,” pasimpleng parinig na naman n’ya kaya tumawa ako nang mapatingin sa gawi ni Mommy na pasimpleng kinukurot sa tagiliran si Daddy. Simula kasi noong nag retiro si Daddy sa pagiging isang police general ay isa na s’ya sa mga nagmamanage sa Detective Squad ng Young Bucks Society. Si Mommy ang kauna-unahang pumigil sa akin noong nagdesisyon ako na maging parte ng ERA dahil palagi na lang daw na delikado ang napipili kong trabaho. She’s becoming restless everytime I’m taking a mission. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit ako bumukod sa kanila. Hindi lang para maging independent kundi para na rin malayo sa stress si Mommy lalo na at hindi naman lingid sa kaalaman ko ang mga nangyari sa kanya sa nakaraan. Kahit matagal ng nangyari ‘yon at nakalimot na si Mommy ay iba pa rin ang dating no’n sa akin lalo na at naging parte ako sa dahilan kung bakit ‘yon nangyari sa kanya. It is still saddened me whenever I am reminded of the fact that Mom was raped because she tried to go out at night just to buy me a medicine. At kahit itanggi ko man ‘yon ng paulit-ulit sa kanya at kay Daddy ay hindi ko naman pwedeng itanggi sa sarili ko na isa iyon sa mga dahilan kung bakit ko pinasok ang propesyon ko. At isa na rin ‘yon sa dahilan kung bakit ako nagdesisyon na maging isa sa mga agents ng ERA. To somehow investigate what had happened to Mom and who was the syndicate behind that case. “Paano namang makakapag-asawa si Ate Devon kung dito s’ya titira, Daddy? Men will immediately lose their confidence when they see you!” nakasimangot na singit ni Dasha kaya sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. Tumawa ako kaya nakita kong kagat ang ibabang labi na binalingan ng tingin ni Daddy si Dasha. “I am still not forgetting the guy who kissed you at the filming site, Dasha. Kahit sikat pa s’ya, wala akong pakialam–” “Rike,” mabilis na pigil ni Mommy kay Daddy. “That was just a shoot. It was part of the script,” paliwanag ni Mommy. “I don’t care. I didn’t let her shoot a kissing scene–” Mabilis na tinakpan ni Mommy ang bibig ni Daddy nang mag-radio ang guards sa labas ng bahay na may dumating na bisita si Daddy. “Let him in,” he commanded and glanced at my side. “I need to talk to you, Devon,” bilin n’ya sa akin pero hindi na ako nakasagot nang bumukas na ang pinto at bumungad sa harapan namin si Zion na as usual ay seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha. Kitang-kita ko ang tuluyang paglingon ni Dasha sa gawi n’ya at nagtagal ang titig kay Zion kaya tumaas ang kilay ko. Zion is really handsome and hot. There’s no way Dasha wouldn’t notice him. Maya-maya lang ay tumikhim na s’ya at tumayo para lumapit kay Daddy. “Who is him, Dad? New bodyguard?” pasimpleng tanong ni Dasha kaya natatawang siniko ko s’ya kaya napatingin s’ya sa akin. “You don’t know him, Dasha. Leave us alone and do your thing,” saway ni Daddy sa kanya at saka humarap sa akin. “Follow us upstairs, Devon…” bilin n’ya pa sa akin bago niyaya na si Zion na umakyat sa opisina n’ya sa itaas. Nang tuluyang makaalis sina Daddy ay nilapitan ako ni Dasha. “Do you know who that hottie, Ate? Ang gwapo! Kaso mukhang snob at walang pakialam sa magaganda!” komento n’ya pa at sumimangot. Gigil na pinisil ko ang pisngi n’ya. “You don’t have to know who he is, Miss Superstar…” natatawang pang-aasar ko pa sa kanya bago nagpasyang sumunod sa kanila sa itaas. Nasa itaas na ako at papasok na sana sa office ni Daddy nang mag-beep ang phone ko para sa isang message galing kay Sam. Agad na binasa ko ‘yon dahil may pinakiusap akong pabor sa kanya tungkol pa rin sa Elijah Consunji na ‘yon. Umangat ang kilay ko at agad na napasinghap nang mabasa ang message ni Sam sa akin. Sam: I found a way for you to enter to Black Tulips without the need of any VIP passes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD