Speculation

1368 Words
Tatlong araw kami sa Singapore pero masyadong malihim at maingat ang Elijah Consunji na ‘yon at limitado lang ang may access sa mga personal appointments n’ya which I found really suspicious! Ngayong araw ang huling appointment n’ya at mamaya lang lilipad na kami pabalik sa Pilipinas pero wala pa rin akong napapala sa pagmamatyag sa kanya. “Aren’t we going inside to see what’s happening in the auction room?” Nilingon ako ni Heaven na kasalukuyan kong kasama sa labas ng isang private hotel kung saan nagaganap sa auditorium ang auction para sa mga antique paintings ng isang kilalang painter na hanggang ngayon ay on hiatus dahil sa personal na dahilan. I just don’t understand why Elijah Consunji needs to attend and participate in this auction. Noong nag-self investigate ako tungkol sa kanya ay wala naman akong nakitang kahit na anong informations na mahilig s’ya sa art o kahit history man lang ng naging pagpunta n’ya sa mga art exhibit ay wala. Did the confidant make a mistake? Pero sa ilang araw naming pagbabantay sa kanya dito sa Singapore ay hindi talaga nagkamali ang confidant sa mga videos at pictures na pinadala n’ya. I already asked someone to check if those videos and pictures are edited but it turned out that it wasn’t. Mas lalo tuloy akong nacucurious na alamin kung ano ang kinalaman n’ya sa Black Tulips. “We were just instructed to watch outside. I think, he really had other personal stuff he needed to sort out why he came here,” sagot ni Heaven at nakita kong napatingin sa gawi nina Klein at Syrus na panay ang tawanan sa isang gilid. Ilang sandali lang ay nagsalita na s’ya ng command matapos pindutin ang earpiece na suot. “Someone just left the premises in the midst of an auction. Stay alert…” seryosong sambit n’ya at ilang sandali lang ay nakita ko na si Klein na napasulyap sa gawi namin at nakatuon ang masamang tingin kay Heaven na mukhang walang pakialam at seryoso lang na nakatingin sa harapan. “Are you insinuating something again, the great, annoying and emotionless bastard Heaven Dela Torre?” narinig kong sagot ni Klein sa command ni Heaven. Ilang sandali lang ay nagsalita na ang controller na si Zion. “No fighting…” paalala n’ya sa dalawa na mukhang magsisimula na naman ng panibagong iringan. Nakita kong lumingon si Klein sa gawi namin at nagdirty finger kay Heaven na hindi naman s’ya pinansin man lang. Agad na in-off ko ang mic ko para samantalahin ang pagkakataon na makausap si Heaven tungkol sa Black Tulips. “Ahm, about the Black Tulips, Heaven…” simula ko. Napalingon naman s’ya sa akin at tumaas ang kilay habang hinihintay ang iba pang sasabihin ko. “You seemed to be interested in that club,” komento n’ya. “Is that for personal stuff or a part of your future mission?” usisa n’ya pa. Mabilis na umiling ako at ngumisi sa kanya. “Personal stuff. Work related,” simpleng sambit ko. Tumango lang s’ya kaya nagpatuloy na ako sa pagtatanong. “So, when you disguised as one of the patrons of Black Tulips… did you wear mask when you try to sleep with a woman–” “I didn’t sleep with any woman in there,” mabilis na depensa n’ya sa sinasabi ko. Nakita kong lumingon pa sa gawi namin si Klein na obvious na narinig ang mga sinasabi ni Heaven dahil nananatiling naka-on ang mic n’ya. Ayaw ko namang utusan s’yang i-off ‘yon dahil nasa gitna kami ng misyon. “Alright. I mean, did something seem suspicious when you disguised as one of the patrons there?” tanong ko ulit. Kumunot ang noo n’ya at ngumuso nang lingunin ako. Bumalandra ang malalalim n’yang dimples sa magkabilang pisngi sa konting galaw lang ng bibig n’ya. “Like what?” tanong n’ya. “Like… you have to wear a mask when entering their private rooms?” tanong ko. Ilang sandaling tumitig s’ya sa akin bago umiling. “No,” sagot n’ya kaya napasinghap ako. Doon pa lang ay mukhang malabo na ang binigay na proof na confidant dahil hindi naman pala required na mag-mask ang mga patron doon! “But there was something weird that I noticed when I was there,” dagdag n’ya pa kaya agad na nabuhayan ako ng pag-asa. Tuluyang humarap na ako sa kanya para mas makausap s’ya ng maayos. “What is it? What did you notice?” excited at magkasunod na tanong ko. “There was that one room that we cannot enter,” sagot n’ya kaya agad na napakislot ako at mas lalong naging interesado sa sinabi n’ya. “What do you mean? Baka naman may mas mataas pa ang posisyon sa mga patrons ng club?” sunod-sunod na usisa ko. Umiling s’ya. “I’ve actually met the owner of that club and he was using the room next to mine,” sagot ni Heaven. Ilang sandaling nag-isip pa ako bago nagpasyang magtanong ulit. “Did you see the room? I mean, the room that you said you cannot enter?” tanong ko. Usually, sa mga misyon ay nahahack ang lahat ng CCTV at nagkakaroon ang mga agents ng access para makita at mamonitor ang buong lugar. Umiling s’ya. “Unfortunately, there was no camera there so we didn’t see what’s inside,” sagot n’ya. Laglag ang mga balikat na bumungtonghininga ako at saka tumango sa kanya at nagpasalamat. Nakita ko pa si Heaven na parang nagtataka sa naging reaksyon ko pero hindi ko na ‘yon pinagtuunan ng pansin at nag-focus na lang sa kasalukuyang misyon. Nang matapos ang auction ay nagsabi ang assistant ni Elijah Consunji na bumalik na kami sa hotel kung saan kami nag-stay ng ilang araw para kumain at maghanda na sa pagbalik sa Pilipinas. Hinintay kong lumabas sa auction room si Elijah pero hindi ko s’ya nakitang lumabas doon kaya kunot ang noong naglakad ako palapit doon para masilip kung ano pa ang ginagawa n’ya sa loob pero bago pa ako makapasok ay may pumigil na kaagad sa akin. Kunot ang noong tiningala ko ang kung sinong pumigil sa akin at naabutan ko ang seryosong mga mata ni Zion na nakatitig sa akin. “We’re not allowed to enter here,” seryosong sambit n’ya. Masyadong misteryoso ang mga mata n’ya kaya hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip n’ya ngayon. Agad na ngumisi ako sa kanya at sinubukang magpa-cute sa harapan n’ya. “Can’t I just peek? Promise, saglit lang talaga–” “That’s against the client’s terms,” seryoso pa ring pigil n’ya kaya parang bulang naglaho ang mga ngiti sa mga labi ko. Damn it! “Alright…” walang nagawang sambit ko at tiningala s’ya. Sumenyas s’yang mauna na ako sa pag-alis kaya walang nagawang naglakad na ako at sumunod sa mga agents na pabalik na sa hotel. Kuyom ang kamao ko habang sakay ng shuttle bus pabalik sa hotel. The exes numbers of men and guards are already suspicious enough! Imposibleng auction lang talaga ang ipinunta ng Elijah Consunji na ‘yon dito sa Singapore! Nasa room na ako sa hotel nang muling nakareceived ng isang email sa aking personal phone kaya alam kong work related na naman ‘yon. Wala sana akong balak na buksan o i-check muna ‘yon kung hindi lang sumagi sa isip ko ang unknown confidant na nagsend sa akin ng tip tungkol kay Elijah Consunji. Umupo ako sa kama at saka nagpasyang basahin ang email na kaka-received ko lang. Subject: Elijah Consunji First, I wanted to apologise for sending that email by mistake. I’m hoping that everything you’ve seen in that email will go no further because everything in there was just speculation. Awang ang bibig at hindi makapaniwalang napatitig ako sa screen ng phone ko matapos mabasa ang email. And when I tried to check the email address used by the anonymous sender, the email he sent vanished instantly! Speculation my damn āss! Inis na ibinalibag ko ang phone ko sa ibabaw ng kama at saka umikot ang mga mata. There’s definitely something about Elijah Consunji! At hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman kung ano ang itinatago n’ya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD