Elijah Consunji

1537 Words
Sa sumunod na araw ay ang tungkol sa email na pinadala sa akin ng isang unknown confidant ang pinagkakaabalahan ko. Nang i-check ko ang email address ng confidant ay nalaman kong fake email ang gamit kaya medyo nag-alangan pa ako kung paniniwalaan ang nilalaman ng email n’ya sa aking tungkol sa Elijah Consunji na ‘yon. It was stated there that Elijah Consunji is one of the patrons of a certain club. Nang i-check ko ang club na binanggit ng confidant ay nakita kong isa iyong high-end club na exclusive lang sa mga elites. “Black Tulips?” mahinang bulong ko habang sakay kami ng eroplano papunta sa Singapore para sa ilang araw na misyon. Kahit nasa kalagitnaan ng misyon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang halos buong araw na ginawa kong pagreresearch kahapon tungkol sa mga informations na binigay ng unknown confidant. May mga pictures at ilang videos s’yang sinend sa akin pero sa lahat ng mga pictures at videos na ‘yon ay naka-maskara ang lalaki, na sinasabi n’yang si Elijah Consunji. Oo nga at malaki ang posibilidad na totoo ang sinabi ng confidant pero kapag walang mukha ay magiging speculations lang ang lahat. Kailangan kong mapatunayan mismo na s’ya nga ang lalaki sa mga pictures at videos na ‘yon bago ko ipasa ang buong detalye sa ERA. And from there, the Intels of ERA will start to investigate. “Are you planning to go to that club?” Napakurap-kurap ako nang magsalita ang katabi kong level 3 undercover agent na si Heaven. Bata s’yang hamak sa akin pero masasabi kong isa s’ya sa pinakamahuhusay na agents ng ERA. Ang alam ko ay hinihintay lang na maging twenty one years old ang mga batang agents bago tuluyang mapalipat sa Detective Squad ng Young Bucks Society. Tuluyan na akong napaayos ng upo para harapin s’ya nang marealized ang sinabi n’ya. “Have you been to Black Tulips?” namimilog pa ang mga mata na tanong ko. Katulad kay Sam ay mukhang mahilig talagang magbasa ng libro itong si Heaven kaya sa tuwing makikita ko s’ya ay parati rin s’yang nagbabasa at mukhang seryoso. Sa totoo lang ay hindi ko pa s’ya nakitang ngumiti at palaging tahimik lang sa isang tabi. Well… pwera na lang kung nasa paligid ang isa pang agent na kaedaran n’ya na si Klein. “Of course, he did. Tunog banal lang ang pangalan n’yan pero literal na nagpapaakyat ‘yan ng babae sa langit!” Nawala ang tingin ko kay Heaven nang sumingit ang nakaupo sa likuran namin na si Klein. Nang ibalik ko ang tingin kay Heaven ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang mariing pagpikit n’ya na mukhang pilit na nilalabanan ang sariling patulan ang pang-aasar ni Klein sa kanya. Ilang sandali pa ay napasapo sa noo si Heaven at hinawi pataas ang buhok bago ibinalik ang tingin sa libro na binabasa. Mukhang wala na akong aasahan sa kanya dahil mukhang nasira na ang mood kaya kay Klein na ako nagtanong. “Have you been to Black Tulips, Klein?” tanong ko sa kanya. Sumilip s’ya sa awang ng inuupuan ko at saka tumango. “Yes, Ate Dev. Our last mission was there. Heaven disguised as one of the patrons there. And guess what? He really spent the night with the target! Misyon lang dapat pero tinotoo naman ng manyakis na ‘yan!” sagot n’ya at nakangiwi at mukhang diring-diri pa habang sinusulyapan si Heaven. Nang marinig ko ang sinabi ni Klein ay agad na sinulyapan ko si Heaven para tanungin kung may namumukhaan ba s’ya sa lahat ng patron sa club na ‘yon. “Did you really disguised as one of the patrons of Black Tulips, Heaven?” paglilinaw ko. Hindi s’ya sumagot kaya si Klein ulit ang sumagot para sa kanya. “Yes, Ate Dev and he enjoyed that mission for sure!” singit ulit ni Klein na halata namang gustong-gusto lang talagang asarin si Heaven. Nakita kong inis na sinarado ni Heaven ang binabasang libro at saka matalim ang tingin na nilingon si Klein. “You were wearing your fūcking earpiece at that time. It was impossible for you not to hear anything. Kung may ginawa man kami, sana narinig mo–” “How the hell would I hear anything if you turned your mic off?” sarkastikong sagot ni Klein na hindi na nakatiis at tumayo na talaga para makausap na ng harapan si Heaven. “I didn’t turn my mic off! The target dozed off, that's why you didn’t hear anything!” mariing sagot ni Heaven. Gulat na gulat ako habang nakatingin sa kanya dahil lumalampas na sa dalawang sentence ang mga sinasabi n’ya. Usually bilang na bilang lang sa daliri ang mga salitang sinasabi at sinasagot n’ya sa kausap n’ya. Kapag si Klein ang kausap ay mukhang nakakalimutan n’yang may limit lang ang pagsasalita n’ya. “Whatever! Heaven “Pervért but in denial” Dela Torre!” pang-aasar pa ni Klein at saka tuluyang tumigil na dahil sinaway na ng co-agent at ka-team nila na si Syrus. Nang lingunin ko si Heaven ay mukhang iritado pa rin s’ya kaya humilig ako palapit sa kanya at bumulong. “Let’s just talk later when Klein isn’t around…” bulong ko. Hindi s’ya sumagot pero nakita kong tumango s’ya sa akin. Hanggang sa lumapag kami sa airport ng Singapore ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang tungkol sa Black Tulips. Natigil lang ako sa pag-iisip nang magkagulo na ang mga kasama kong agent at mga personal bodyguards na kasama ni Elijah Consunji. “Alert…” narinig namin na utos ng controller na si Zion. Halos kaedad lang s’ya nina Keane pero ang alam ko ay hindi member ng YBSC ang kahit sino sa parents nila ni Syrus. They were just here as a special recruit and will be transferred to YBS Detective Squad soon. Ilang sandali lang ay panay flash na ng camera ang paligid dahil pinagkakaguluhan na kaagad si Elijah Consunji. Hindi ko maalis ang tingin sa mukha n’ya habang nakatingin at nakangiti s’ya sa camera at sinasagot ng maayos at matalino ang mga tanong sa kanya. “Are you really here to participate in an auction or is it true that you are here to see someone special?” narinig kong tanong ng isang reporter. Tumawa si Elijah Consunji at halos hindi ko maalis ang mga mata sa kanya lalo na ngayon na tumatawa s’ya at kitang-kita ang mapuputi at pantay-pantay n’yang mga ngipin. Napahawak s’ya sa sentido habang naiiling at bahagyang nakayuko dahil sa tanong ng isang reporter. “I am really here for the auction and not for anybody else,” sagot n’ya at saka ngumiti ulit sa camera na halatang praktisadong praktisado na ang gagawing pagngiti. Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi habang nakatingin sa kanya. Panay ang bulong n’ya ng kung ano sa personal assistant n’ya kaya mas lalo kong pinagbuti ang paninitig sa kanya. Kasama ang lipreading sa mga training na inaral namin sa level up training ng boot camp noon kaya kahit papaano ay marunong akong bumasa ng movement ng mga labi ng isang tao. Awang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang mga labi n’ya habang nagsasalita sa assistant n’ya. This guy is absolutely a faker! Nanliit ang mga mata ko lalo na nang makitang bumulong ulit s’ya kaya binasa ko ang galaw ng mga labi n’ya. “Get…rid…of…these…damn…reporters… They…are…wasting…my…time…” Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kanya dahil ngiting-ngiti pa s’ya habang sinasabi ang mga ‘yon sa assistant n’ya pero kabaligtaran naman ang facial expressions na pinapakita sa mga tao! Ilang mga tanong pa ang sinagot n’ya doon bago kami tuluyang nakalabas sa airport. Nasa labas na kami ng airport nang harapin n’ya kami at pasalamatan. “Good job, guys. Eat and drink everything you want tonight. I’ll pick up the tab,” nakangiting sambit n’ya bago tumalikod para sumakay na sa sasakyan n’ya. Huminto s’ya sa tapat ng assistant n’ya at bumulong na naman kaya agad na binasa ko ang galaw ng mga labi n’ya. “Tell…them…to…do…their…job…properly. I… am… not… paying…them…over…a…million…just…to…stand…and…just…watch…me…mobbed…by…those…damn…fantards…in…the…airport…” Umikot ang mga mata ko nang malinaw na mabasa ang galaw ng mga labi n’ya. Pagkatapos n’ya kaming purihin ay iyon naman pala talaga ang gusto n’yang sabihin?! Huh! What a faker! Two-faced bastard! Nang mag-angat s’ya ng tingin sa gawi ko ay kitang-kita ko pa ang pag ngiti n’ya sa akin at pagkindat na para bang kapag ginawa n’ya ‘yon ay hihimatayin ako sa kilig katulad ng mga babaeng nahuhumaling sa kanya! Kahit na labag na labag sa loob ko ay ngumiti ako pabalik sa kanya at umaktong kilig na kilig dahil sa ginawa n’yang pag ngiti sa akin. Nang makita kong tumalikod na s’ya at tuluyang sumakay sa sasakyan ay umikot ang mga mata ko at umaktong sukang-suka. Natigil lang ako sa ginagawa nang mapansin ang titig ng kung sino sa akin. Nang lumingon ako sa kaliwa at naabutan ko si Zion na nakatitig sa akin. Base sa itsura n’ya ay mukhang nakita n’ya ang ginawa ko kaya ngumisi ako sa kanya at nag peace sign bago humalo sa ibang agent para makasabay na sa pagpunta sa hotel kung saan tutuloy si Elijah Consunji.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD