“Are you on a mission tonight, Ate Dev?”
Natigil ang ginagawa kong paglalaro sa cocktail glass na halos ubos na ang laman nang biglang sumulpot sa harapan ko ang isa sa triplets ni Tito Llewyn na si Calix, na hindi ko pa sana makikilala kung hindi lang biglaang itinukod ang mga siko sa table at nagpa-cute sa harapan ko.
Sa totoo lang ay kapag hindi ako nakainom ay hirap na hirap pa rin akong kilalanin silang tatlo kahit na halos kasabay ko na silang lumaki. Imagine growing up with these three annoying boys and my two brothers! Puro lalaki halos ang mga kalaro ko noon kaya hindi man lang ako nagka interes na maglaro ng manika.
Nang ipanganak naman ni Mommy ang pinaka bunso na si Dasha ay malaki na ako at masyadong awkward na kung makikipaglaro ako ng manika sa kanya!
“Come on, Calix. She won’t ever go here and drink if she has a mission tonight. Did you lose your commonsense after spending some time with that idiotic guy?” sarkastikong singit ni Sam na hindi ko alam kung paano nagagawang intindihin ang binabasang manga sa sobrang lakas ng music dito sa loob ng bar.
We’re currently killing time here at Cocktailify, one of ERA’s safe houses, before going to Singapore for our next mission the day after tomorrow. At dahil Sabado ngayon ay halos kalahati ng population sa buong bar ay puro undercover agents from ERA and others are from the Detective Squad of Young Bucks Society Club. Usually, ang mga level 3 undercover agents sa ERA ang may chance na mapunta at kuhanin para maging isa sa mga members ng Detective Squad. Kaya nga lang ay kung magdedesisyon ang isang agent na maging isa sa mga members doon ay kailangang iwanan na nila ang mga trabaho nila dahil walang-wala ang hirap ng mga missions doon kesa sa mga missions dito sa ERA. Ang pinaka maikling mission doon ay inaabot ng tatlong buwan samantalang taon ang inaabot ng pinakamahirap na missions. Most of the cases that the Detective Squads are taking are those that are big, complicated and confidential.
Pangarap ko talagang mapasama sa kanila kaya nga lang ay masyado ko yatang mahal ang pagiging reporter ko kaya hanggang ngayon ay stuck pa rin ako sa pagiging level 2 agent ng ERA dahil sinisingit ko lang talaga sa schedule ko ang mga mission na kinukuha ko.
Kung tutuusin ay pwede namang mag-quit nalang ako sa pagiging undercover agent at magfocus na lang sa trabaho ko. Pero hindi ko magawa dahil hinahanap-hanap na ng katawan ko ang thrill at adventure na sa missions dito sa ERA ko lang nakukuha.
“Idiotic?” narinig kong tanong ni Calix kay Sam na mukhang litong-lito kung sino ang tinutukoy nito. “Sino naman ‘yon?” inosente pang tanong n’ya kaya naiiling na tinaas ko ang cocktail glass na hawak ko at tuluyang sinaid ang laman nito.
Nang tuluyang maubos ay luminga ako sa paligid at agad na nagtawag ng waiter para humingi pa ulit ng isang baso ng cocktail. Agad namang may lumapit sa akin kaya napangiti ako at sumandal sa couch. Hinayaan kong isandal ang batok ko sa headrest at saka pumikit.
Nitong mga nakaraang araw ay masyado akong stress sa trabaho dahil halos walang ganap sa showbiz ngayon at ang mga politicians naman ay tahimik dahil kakatapos lang ng eleksyon. Mas napapadalas pa tuloy ang pag-take ko ng missions sa ERA kesa ang magpunta sa kung saan para sa trabaho. Bumuntonghininga ako at wala sa sariling napabulong. I feel like my life is losing its spice.
“So boring…” bulong ko.
“Why don’t you consider going out with me if you’re really bored?”
Mabilisang umigkas ang kanang kamao ko sa kung sinong sira ang ulong bumulong sa akin pero kumunot ang noo ko nang wala akong tinamaan! Napadilat ako nang marinig ang mahinang halakhak na sobrang pamilyar na pamilyar sa akin!
Nanliit agad ang mga mata ko nang pagbaling ko sa kanan ay naroon si Keane at nakangisi ng bahagya habang nakatitig sa akin.
Kung hindi lang s’ya nakasuot ng uniform na pang waiter ay iisipin kong s’ya pa rin si Calix na kausap ko lang kanina dahil iisa talaga ang mga mukha nila!
Nanliit ang mga mata ko at umayos ng upo bago sinenyasan s’yang lumapit sa akin dahil nakita kong may dala-dala s’yang ilang cocktail glass sa tray na hawak. Napalinga pa s’ya sa paligid bago lumapit sa akin. He’s obviously on a mission and he even dares to play around!
“Give me a glass,” utos ko nang tuluyang makalapit s’ya sa akin. Hindi s’ya sumagot pero yumuko para maglapag ng isang cocktail glass sa harapan ko.
“Don’t drink too much. I’ll kill you if you go home wasted again,” nanliliit ang mga mata at kinagat pa ang ibabang labi habang halatang-halata ang pagbabanta sa mga mata n’ya habang nakatingin sa akin. Agad na napangiwi ako sa paraan ng pakikipag-usap na naman n’ya sa akin.
Aba’t! Sumosobra na talaga ang isang ito!
“What’s that?” tanong ko at kunot ang noong tiningnan ang kaliwang pisngi n’ya.
“What?” tanong naman n’ya at kumunot din ang noo.
“That,” sambit ko at tinuro ang pisngi n’ya. Kunot noong hinawakan naman n’ya ‘yon at kunot noong napatingin sa akin. “Come here,” utos at sinenyasan s’yang lumapit sa akin. Humakbang naman s’ya pero isang beses lang kaya sumenyas ulit ako. “Come closer…” utos ko ulit. Yumuko s’ya at saka inilapit ang mukha sa akin. “Closer…” utos ko pa kaya inilapit n’ya ang mukha at tumagilid ang mukha kaya agad na inabot ko ang tenga n’ya at piningot! Napadaing s’ya at napamura habang hinihilot ang tenga na piningot ko.
“Bakit na naman ba?” reklamo n’ya pa kaya mas lalong tumaas ang kilay ko.
“Did you already forget what I told you last time?” tanong ko na sinusubukang ipaalala sa kanya ang napag-usapan namin noong nakaraan. He was so brave to confess his feelings to me as if I am ever considering him as someone I can date! Limang taon ang tanda ko sa kanya at kahit gaano pa s’ya ka gwapo at hot sa paningin ng ibang tao ay hinding-hindi ko talaga s’ya makita bilang isang lalaki.
“Did you also forget that I am used to getting whatever I wanted? And this time, I want you. So, I’m going to get you no matter what, Devon Gozon...” matapang at dire-diretsong sambit n’ya pa sa buong pangalan ko!
Kung hindi ko pa nakitang may kung anong umilaw sa suot n’yang spyglass ay hindi pa s’ya titigil sa pakikipag-usap sa akin. “I am eyeing the target now. He is already in the middle of negotiating something with the asset…” narinig kong sambit n’ya at sumenyas pa sa akin na lalabas na kaya hinayaan ko na.
“What the hell did I just witness?”
Nawala lang ang tingin ko kay Keane nang magsalita si Sam na nasa harapan ko lang at paniguradong kitang-kita at dinig na dinig ang mga pinagsasabi ni Keane sa akin! Umirap ako at saka naiiling na pinulot ang cocktail glass na nilapag n’ya kanina.
“Such a nasty love line between agents from ERA and Detective Squad…” nakangiwing komento n’ya pa pero hindi ko na nagawang pansinin ‘yon nang tumunog ang phone ko para sa isang email notification.
Wala naman sana akong balak na tingnan ‘yon lalo na at alam kong related sa trabaho ko bilang isang reporter ang email. Umiinom ako ngayon at hangga’t maaari ay ayaw kong may sumisingit na trabaho dahil alam kong hindi ko naman ‘yon magagawa ng tama lalo na at kasalukuyan akong nasa ilalim ng impluwensya ng alcohol. Pero nang mabasa ko ang pangalan na nakalagay sa mismong subject ng email ay parang bulang nakalimutan kong nasa bar ako ngayon at kasalukuyang umiinom!
The Other Side of Gov. Elijah Consunji…
Ilang beses pa akong napatitig sa screen ng phone ko. I am definitely using my personal phone and not the phone that I am using whenever I am taking a mission as an undercover agent!
Kaya paanong magkakaroon ng email dito tungkol sa kanya? Maliban na lang kung… kung may nag send ng tip sa akin tungkol sa kanya!
Kagat ang ibabang labi na binuksan ko ang email na kakarecieved ko lang at halos mawala ang kalasingan ko nang mabasa at makita ko ang ilang proofs na naka-attached kasama ang email na ‘yon.
Ilang sandali pa akong napatitig sa screen ng phone ko bago unti-unting napangisi nang ma-realized kung gaano kalaking pasabog ito kung sakali!
I can’t imagine how the people will handle this!
The great governor of San Sebastian, Elijah Consunji, caught in a sēx scandal? Wew! That will surely cause a stir in the whole country and will definitely give my name the recognition I deserve for disclosing that fact!