Offer

1235 Words
“How can you be so sure that Elijah is the Emperor of Black Tulips?” tanong ko makalipas ang ilang sandaling pananahimik dahil pinoproseso ko sa utak ko ang sinabi nila. We all know that the organization won’t take the risk of taking a case without concrete evidence. Kung puro speculations lang ay hindi mag-aaksaya ng oras ang mga Intels ng ERA para mag-conduct kahit man lang ng initial investigation. All the cases involved with Indian Mob are all complex. Kaya kung irerelay namin ang tungkol dito sa ERA ay dapat makakuha kami ng kahit isa man lang na matibay na ebidensya na may kinalaman nga si Elijah Consunji sa Indian Mob. But the fact that he’s constantly getting ERA’s service, malamang ay malabong paghinalaan s’ya ng mga Intels dahil paano nga namang lalapit ang isang taong maraming tinatago sa isang espionage organization na katulad ng ERA kung alam nitong malaki ang posibilidad na malaman ng ERA ang mga tinatago nito? “We’ve got some possible connections leading him to be one of the patrons of Black Tulips. But we never know if it’s true or just made up by someone who just wanted to mess up with his political career,” sagot ni Zion at ilang sandaling tumitig sa akin ng seryoso. Sa paraan ng paninitig n’ya sa akin ay halata pa rin na hindi pa rin s’ya kumbinsido na may personal na dahilan ako kung bakit ako humantong sa pagiging isa sa mga dancers para sa Emperor’s Night. “How about you? You won’t take the risk of coming there with only doubt in mind. I’m pretty sure you have something,” seryosong sambit n’ya na punong-puno pa rin ng pagdududa ang mga mata. Kulang na lang ay umikot ang mga mata ko. Co-agent na n’ya ako sa ERA pero nagagawa pa talaga n’ya akong pag-isipan ng hindi maganda. Umismid ako at umayos ng tayo para ipakita sa kanila ang email na na-received ko mula sa isang unknown confidant. “Someone sent me this anonymous email in my personal account but later on I received another email saying that all that was written there was just speculations but I doubt it,” naiiling na sambit ko habang pinapakita sa kanila ang isang maikling video kung saan makikita ang isang lalaki na nakasuot ng maskara at walang pang itaas na may kasamang babaeng hubo’t-hubad sa isang kwarto. “Based on the color of the wallpaper of the room, there is a possibility that this happened in some of their private rooms,” kunot ang noong sambit ni Syrus. Nakita kong umayos ng tayo si Zion at tiningnang mabuti ang video bago kunot ang noong kinuha ang phone at saka nagpipindot doon. “Nope,” biglang sambit ni Zion kaya sabay kaming napatingin ni Syrus ng tingin sa kanya. Sinalubong n’ya ang tingin ko bago nagsalita. “This is not in Black Tulips,” sambit n’ya na parang siguradong-sigurado sa sinasabi. Kumunot ang noo ko. “Are you sure?” tanong ko. Hindi s’ya nagsalita pero may nilapag s’yang ilang pictures ng mga kwarto kaya nagtatakang nag-angat ako ng tingin sa kanya. “There are only five rooms in Black Tulips including the one that there is no camera,” paliwanag n’ya kaya natuon ulit ang atensyon ko sa mga pictures ng kwarto na pinakita n’ya. “All the rooms there have the same sizes. If you are going to compare the room in this video, you can immediately tell that this room is not one of the rooms in Black Tulips,” pagpapatuloy n’ya kaya muling pinasadahan ko ng tingin ang mga pictures na pinakita n’ya bago pinanood ulit ang video. Napasinghap ako nang makitang magkaibang-magkaiba nga ang size at halatang mas malawak ang size ng nasa video kumpara sa mga rooms na kuha sa Black Tulips. “I also noticed that there are some pine trees outside the window,” sambit n’ya at pinaused ang video sa parteng iyon at zinoom sa gawi ng bintana. Napasinghap ako nang mapagtanto ang sinabi n’ya. “Ibig sabihin… hindi ‘yan dito sa Manila?” tanong ko. Nag-angat s’ya ng tingin sa akin at saka sumagot. “San Sebastian is mountainous enough to grow some variety of pine trees,” sambit n’ya kaya tuluyan na akong napamaang. Ibig sabihin ay may posibilidad na dinadala ni Elijah Consunji ang mga dancers na napipili n’ya sa San Sebastian! And the fact that he’s doing that often means he's used to doing that! At nagagawa n’ya ‘yon nang wala man lang nakakapansin?! “The Intels won’t buy this shìt unless we catch him took his mask off,” komento ni Syrus kaya napatingin kami sa kanya. “Dapat ay makuhanan man lang ang mukha n’ya o kahit na anong parte ng katawan n’ya na pwedeng makumbinsi ang Intels na si Elijah Consunji nga ang nasa video,” dagdag n’ya pa at bumuntonghininga. Tahimik si Zion sa isang tabi kaya nanahimik na rin ako at nag-isip ng pwedeng gawin para makalapit man lang sa Emperor. Nang maisip ko ang tungkol sa nameplate ko ay inis na inis ako dahil kung iyon ang nameplate na suot ko sa Emperor’s Night at hinding-hindi ako mapipili o lalapitan man lang ng Emperor! May mga nilapag pa silang mga possible connections na makapagsasabi na si Elijah Consunji nga ay isa sa mga patrons ng Black Tulips pero ang isip ko ay nandoon pa rin kung paano akong makakalapit sa kanya. Nang may maisip ay pinakita ko sa kanilang dalawa ang nameplate ko. Nagtatakang napatingin silang dalawa sa akin kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad na sinabi ang gusto kong mangyari. “Is it possible that we can change the color of this nameplate?” tanong ko. Kung nasa premises lang ako ng ERA ay madali ko lang magagawa ito pero dahil pinagbawalan ako ni Daddy na mag-take ng mission ng isang linggo ay hindi ko magagawa iyon. “It’s possible, right? You two can do it…” nakangising sambit ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nakita kong tumingon si Syrus kay Zion na nakahalukipkip at nakatingin ng seryoso sa akin. “We can’t,” sambit n’ya kaya napamaang ako habang nakatingin sa kanya. “But why?! This nameplate is keeping the Emperor from approaching me! Kung babaguhin ko ang kulay nito ay pwede na n’ya akong piliin–” “And what the hell will you do if he ever chooses you huh? Are you willing to give yourself to him in exchange for the information that you are going to get?” salubong ang mga kilay na sermon sa akin ni Zion. Napalunok ako at confident na tumango sa kanya. “Kung iyon lang ang paraan para simulan ng Intels ang pag-iimbestiga sa kanya, bakit naman hindi? Kayang-kaya kong gawin iyon para sa trabaho–” “You’re out of your fūcking mind,” mariing komento n’ya at naiiling na tiningnan ako. “Just forget about all of this and give some thoughts about your father’s offer. Besides, you won’t be able to get involved in this case if you’re not a member of the YBS Detective Squad,” pasupladong sambit n’ya pa bago umayos ng tayo at naglakad palabas ng kwarto pero muling nilingon si Syrus at nag-utos bago tuluyang lumabas. “Take her home now, Syrus!” mariing utos n’ya at iritadong tinapunan pa ako ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD