Escape

1453 Words
Natapos ang pangalawang gabi ng Emperor’s Night at katulad sa unang gabi ay wala pa rin akong napala dahil si Zion na naman ang nakasayaw ko at alam kong sinadya n’ya talagang sa akin lumapit dahil kilala n’ya ako! “Just when the hell are you going to stop interfering with us? For all you know, you are causing delays and preventing us from going further!” Halata ang gigil sa boses ni Zion nang nakapasok na kaming dalawa sa isa sa mga private rooms ng Black Tulips pagkatapos ng limang minuto na pagsasayaw ng tango. Imbes na intindihin ang galit n’ya ay iginala ko ang paningin sa buong kwarto. “So, this is what their private room looks like, huh?” komento ko habang naglalakad sa paligid ng kwarto. May isang king size bedroom, side table at may mga upuan sa gilid, na hindi ko alam kung para saan kaya nagtanong na ako kay Zion. “Para saan ang mga upuan na ‘to?” tanong ko habang tinitingnan ang tatlong wooden chair na magkakatabi sa isang gilid. Nang hindi s’ya sumagot ay nilingon ko na s’ya. Nakasandal s’ya sa pader malapit sa mga wooden chairs at nakahalukipkip at mukhang walang balak na sagutin ang tanong ko. Nang maisip ang posibleng gamit ng mga upuan na ‘yon sa ganitong klaseng lugar ay tumayo ako at naglakad palapit sa mga wooden chairs na ‘yon at saka pabirong umupo doon paharap sa sandalan ng upuan. Nilingon ko s’ya nang makitang kunot ang noong pinapanood n’ya ako. Ngumisi ako ng nakakaloko sa kanya at saka nagsimulang gumiling at sumayaw habang nakakapit sa sandalan ng wooden chair. Nagsalubong ang mga kilay n’ya habang nakatingin sa akin kaya mas lalo akong ngumisi at mas ginalingan pa ang mabagal na paggiling. “Are the dancers using this for entertaining those patrons?” nakangising tanong ko pa at saka mapang-akit na kinagat ang ibabang labi at saka hinawi pataas ang buhok habang sumasayaw at gumigiling ng mabagal sa upuan. Tuluyan na akong natawa nang makitang iritadong iniwas n’ya ang tingin sa akin. “Just fix yourself and leave! Inaabala mo lang ang dapat sana ay gagawin ko dito!” iritadong sermon n’ya sa akin kaya tumaas ng todo ang kilay ko at saka tumayo at nilapitan s’ya. “What are you supposed to be doing now?” usisa ko nang huminto sa harapan n’ya. Sa taas kong five feet and five inches ay halos tingalain ko pa rin s’ya! Nang ibaling n’yang muli ang tingin sa akin ay hindi n’ya sinubukang itago ang iritasyon sa mga mata n’ya kaya tinaasan ko s’ya lalo ng kilay. “What?” pangungulit ko pa. “It’s none of your goddamn business,” mariin at pasupladong sagot n’ya kaya umayos ako ng tayo at saka humalukipkip din sa harapan n’ya nang may biglang naisip. “Ahh! You were supposed to be sleeping and dancing with one of the dancers! Kaya ka ba galit na galit dahil hindi mo nagawa iyon ngayon?” I mocked, not leaving even a glimpse of his handsome face. Kitang-kita ko ang pag-angat ng dibdib n’ya na halatang humugot pa ng malalim na paghinga na mukhang nagtitimpi na patulan ang sinasabi ko. “Why don’t you try sleeping with me then? Tutal ay nandito na rin tayo. Sayang naman itong kama kung hindi rin lang magagamit–” “Are you fūcking trying my patience out, Devon?” gigil at iritadong pigil n’ya sa sinasabi ko. Kitang-kita ko ang pag-igting ng mga panga n’ya na halatang iritadong-iritado na sa akin kaya napaayos ako ng tayo at tumikhim. “I am not here to waste my time! You know that this case is not like those random cases that we’re taking! This is the Indian Mob. The reasons why we’re doing all this shìts when we are supposed to have a normal life!” tuloy-tuloy na sermon n’ya kaya tuluyan na akong nanahimik. Pasimpleng umirap ako dahil sa iritasyon n’ya sa akin bago muling tumikhim at muling sinalubong ang tingin n’ya. “Sa tingin mo ba nag-aaksaya lang din ako ng oras dito? I told you I have a personal reason why I am doing this–” “If that reason was to just expose Elijah Consunji in public, then stop dreaming and just wait for the organization to do that. Hindi mo naman kakayaning mag-isa–” “Kaya nga ako tutulong sa inyo dahil alam kong hindi n’yo rin kakayanin!” mabilis na putol ko sa sinasabi n’ya. Umingos ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Tomorrow is the last night of the Emperor’s Night. Pagkatapos bukas ay hindi ko na alam kung kelan ulit ito mauulit. I just want to fūcking witness it myself. Gusto kong makita ko mismo at mapatunayang si Elijah nga ang Emperor dito. Kaya ‘wag na ‘wag kang makikialam sa akin bukas kung ayaw mong makita kung gaano katigas ang ulo ko!” tuloy-tuloy na babala ko sa kanya at hindi na hinintay ang sasabihin n’ya at mabilis ang ginawang paglabas sa kwarto para umuwi. Pagdating ko sa bahay ay hindi ako halos dalawin ng antok sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Nang hindi pa rin makatulog ay bumangon ako at inilabas ang nameplate ko at hindi na nag-isip pa. Ginawan ko ng paraan para maging kulay puti ang print ng pangalan sa nameplate ko. Kapag tinitigan ay mahahalatang pinatungan ko lang ng kulay puting nail polish iyon pero kung hindi mapagtutuunan ng pansin ay hindi na talaga mapapansin iyon ng kahit na sino. Nang matapos ay saka lang ako dinalaw ng antok. Kinaumagahan ay maraming aberya sa bahay kaya late na akong nakaalis para pumunta sa Black Tulips at mag-attend ng practice para sa sasayawin mamayang gabi. “Ang swerte ng mga sasayaw mamayang gabi…” Napalingon ako sa dalawang dancers na nag-uusap sa gilid ko. Kakatapos ko lang uminom ng tubig dahil sa pagod sa naging practice namin. Tuluyang natuon sa kanilang dalawa ang atensyon ko dahil obvious na laman ng usapan nila ang Emperor. “Oo nga. Balita ko wala pang napipili ang Emperor sa unang dalawang gabi ng event. Mamaya ay paniguradong may mapipili na s’yang makasayaw!” sambit ng isang dancer kaya napasinghap ako at agad na nakaramdam ng excitement lalo na at ngayong gabi ako naka-schedule para sumayaw sa unang tatlong minuto! This is it, Devon! Give your best shot! Don’t let the Emperor’s eyes away from you tonight! Nang sumapit ang gabi ay ibang-iba ang ambiance sa buong club. Kumpara sa mga naunang gabi ay mas bongga ang preparations ngayon. Dahil ba ito na ang last night para sa event na ito? Iginala ko ang tingin sa paligid at siniguradong hindi ako makikilala ni Zion. Naisip kong makikilala n’ya ako sa nameplate ko dahil alam n’yang Agape ang alias ko dito kaya nakiusap ako sa isa sa mga dancers na magpalit kami ng nameplate at pumayag naman s’ya. Of course! Wala namang nakakatanggi basta may perang involved! Napatingin ako sa nameplate na suot ko. Dahil nakasuot kami lahat ng maskara ay wala namang makakapasin na nakipagpalit ako ng nameplate. Tonight, I will be named as ‘Sēx Enchantress’ Napangisi ako nang mabasang muli ang bagong alias sa nameplate ko. Pangalan pa lang ay tiyak na makukuha ko na ang pansin ng Emperor. The fact that I chose one of the most seductive dress that I have in my closet, tingnan ko lang kung hindi ko pa makuha ang atensyon ng kahit na sinong lalaki sa club na ito! Nang magsimula ang unang minuto ng sayaw ay bigay todo na kaagad ako sa pagsayaw ng rumba. Hindi na ako nagulat na nang lumabas ang mga bagong patron ay dalawang lalaki kaagad ang nag-unahan para lumapit sa akin. Napangisi ako at mas lalo pang pinagbuti ang pagsayaw. May isang lalaking staff ng club ang pumagitna sa kanila nang walang kahit na isa sa kanila ang gustong magpaubaya. Mas lalo akong napangisi pero agad na natigilan nang sa akin naman lumapit ang staff ng club at may ibinulong na kung ano. “Escape ka na, Sēx Enchantress…” bulong ng staff sa kalagitnaan ng pagsasayaw ko kaya kunot ang noong nagtanong ako. “Anong ibig mong sabihin?” medyo may kalakasan na tanong ko dahil malakas ang tugtog sa background. “Escape. Ibig sabihin, tapos ka na dito sa Black Tulips. Sasama ka na sa Emperor palabas dito…” sagot n’ya at saka hinawakan ang braso ko at inalalayan sa pagbaba sa stage! Agad na napalingon ako sa gold na upuan sa gilid ng stage at nakita kong tumayo na mula doon ang Emperor na hindi ko man lang napansin na naroon na pala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD