Indian Mob

1269 Words
Hindi ko na alam kung ano pa ang mga eksaktong nangyari sa unang gabi ng Emperor’s Night pagkatapos kong mawalan ng malay. The only thing I knew was the fact that the spy potion will only last for one to two hours so I was probably knocked out that long! Kaya nang tuluyang magising ako ay hindi pa ako agad na nakagalaw. Iginala ko ang tingin sa paligid nang tuluyang nahimasmasan. The room had an unfamiliar scent and it was so dark I could barely see anything! Sumunod ko naman na pinakiramdaman ay ang katawan ko. I don’t know why I wasn’t really worried if something happened to me inside the Black Tulips premises because I know for sure that I was with a co-agent when I passed out. Nang masiguro kong maayos ang katawan ko ay saka lang ako tuluyang gumalaw para bumangon. I immediately composed myself and got ready just in case someone would dare to attack me from the dark. Tuluyan na akong napakislot nang may gumalaw sa gawi ng bintana kaya agad na napalingon ako doon. Then the light immediately turned on. Bumungad sa harapan ko ang pigura ng dalawang lalaki. Dahil medyo matagal ako na nanatili sa madilim ay hindi agad naging komportable ang mga mata ko sa liwanag. Ilang sandali pa bago naging maayos ang paningin ko at hindi na nagulat nang mabungaran sa harapan ko ang dalawang co-agents ko sa ERA. “How did you two get there?” wala ng paligoy-ligoy na tanong ko habang salitan silang tinatapunan ng tingin. Saglit na nagkatinginan sila at mukhang nag-usap pa gamit ang mga mata bago tuluyang nagsalita. “We should be the one asking you that. What the hell are you doing in a very dangerous place without a cover, Devon?” seryosong tanong ng co-agent ko na si Syrus Hwang. Nakatayo at nakahalukipkip habang seryosong nakatingin sa akin ang isa pa naming co-agent at controller na si Zion Mendez. Hindi katulad sa aming mga agents na members ang mga magulang ng Young Bucks Society Club, Zion and Syrus are special recruit agents from YBS Detective Squad. Kabilang sila sa mga agents na pwedeng kumuha ng kahit na anong misyon galing sa ERA at YBS Detective Squad. They are belong to those well-trained agents who were personally trained by the pioneers of ERA. Kumunot ang noo ko nang may agad na napagtanto. Ngayon ko lang napansin na sa lahat ng misyon na involved ang Elijah Consunji na ‘yon ay saka ko lang sila nakikita sa ERA. Nanliit ang mga mata ko at nagdududang tiningnan silang dalawa. Ilang sandali pa bago tuluyang nag-sink in sa utak ko ang posibleng dahilan kung bakit sila nasa Black Tulips ngayong gabi. “Do you have a mission there?” sa wakas ay nagawa kong tanungin. Napasapo ako sa noo at natatawang hinawi pataas ang buhok. Hindi naman pwedeng pumunta lang sila basta doon ng walang dahilan. Oo nga at nightclub iyon para sa mga mayayamang lalaki sa bansa pero hindi naman sila yung tipo na magtatapon ng malaking halaga para lang merong maikama na babae. “I’m sorry if I accidentally interrupted your mission. May gusto lang akong malaman kaya ako pumunta doon–” “Call a halt,” Zion immediately exclaimed. Kumunot ang noo ko at nagtatakang sinalubong ang seryoso n’yang mga mata. “Call a halt to everything that you wanna know about Black Tulips. It is not something that anybody should know,” nakahalukipkip at pasupladong utos n’ya sa akin at saka tinapunan ng tingin si Syrus. “Take her home,” utos n’ya bago umayos ng tayo at saka akmang lalabas na ng kwarto pero agad kong pinigilan. “No way,” mabilis na pigil ko sa sinabi n’ya. Huminto naman s’ya sa paglalakad at saka kunot ang noo na nilingon ako. Umiling ako agad sa kanya. “There’s no way I would stop what I plan to do there. It’s been bugging my mind for quite a while now. At usually ay hindi ako tumitigil hangga’t ginugulo ng isang bagay ang isip ko dahil hindi ako makakapag-concentrate sa mga dapat kong gawin,” mabilis na paliwanag ko at saka tumayo mula sa kama para maghanda na sa pag-alis. Wala naman akong pakialam kung pipigilan nila ako sa gusto kong gawin dahil paniguradong hindi ko naman ‘yon susundin. Gusto ko lang malaman nila para alam nilang wala akong balak na sundin ang gusto nilang mangyari. “I won’t interfere with your mission. Hindi rin ako magtatanong kung anong misyon ‘yon kaya sana ‘wag n’yo rin akong pakialaman sa gusto kong gawin. Besides, wala namang kinalaman dito ang pagiging agent ko sa ERA. This is a personal stuff–” “As long as it involves Gov. Elijah Consunji, you don’t expect us not to interfere,” mariing sambit n’ya na ikinabilog ng mga mata ko. Ilang sandaling nagsukatan pa kami ng tingin bago ako tuluyang nakapagreact sa sinabi n’ya. “Is… is he your… current mission?” halos hindi kumukurap na tanong ko sa kanya. Bumuntonghininga si Syrus at saka umayos ng tayo bago naglakad palapit sa gawi namin ni Zion. “The organization has nothing to do with what we’re doing, Devon…” paliwanag ni Syrus kaya kunot ang noong nilingon ko s’ya. “What do you mean? Hindi ba ay nandoon kayo kanina dahil sa misyon?” nalilitong tanong ko. Umiling s’ya kaagad sa akin. “No. We weren’t there because of a mission–” “Syrus,” mariing babala at pigil ni Zion sa kanya kaya napatigil s’ya sa pagsasalita. Nang lingunin ko si Zion ay mariing tinitigan n’ya ako at muling binalaan. “Stop getting involved yourself in this. Elijah Consunji is not just someone you can deal alone,” mariing babala n’ya bago muling naglakad palabas ng kwarto pero mabilis na pinigilan ko na ang braso n’ya. “So, you also knew that there’s something off with that man?” sambit ko at sinulyapan si Syrus nang hindi nagsalita si Zion. “Let me help you,” dagdag ko pa. Gumalaw si Zion at muling hinarap ako kaya sinalubong ko ang seryoso n’yang mga mata. “Tutal ay wala naman palang kinalaman ang organization dito kaya pare-pareho lang ang goal natin. Hindi ako magtatanong kung ano ang dahilan n’yo kaya iniimbestigahan n’yo si Elijah Consunji. I understand that it’s a personal stuff too–” Tumawa ng nakakaloko si Zion kaya napatigil ako sa pagsasalita at kunot ang noong tiningnan s’ya. “This was never about personal stuff,” sambit n’ya at mas dumiin ang tingin sa akin. “This thing might lead us to the reason why Young Bucks Society Club decided to build the YBS Detective Squad,” pagpapatuloy n’ya kaya mas lalong napamaang ako. “You knew about the case of the unstoppable Indian Mob, right?” si Syrus ang nagsalita at nagtanong kaya napalingon ako sa kanya at saka tumango ng marahan. Indian Mob has been the sole reason why the Young Bucks Society Club decided to take precautionary measures for the sake of the members. Kaya rin nabuo ang secret espionage organization na YBS Detective Squad ay para tuluyang mahuli ang pinaka pinuno ng Indian Mob. “We suspected that Gov. Elijah Consunji was somehow involved with them,” paliwanag naman ni Zion kaya umawang ang bibig ko habang namimilog ang mga matang nakatingin sa kanya. “And there are some leads pointing him to be the possible heir of the unidentified leader of Indian Mob…” dagdag n’ya pa na mas lalong ikinaawang ng bibig ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD