"MAYROON na naman?" ani Bratinella ng pabagsak na ilapag ni Aiko ang mga files sa ibabaw ng kanyang table. Kaninang umaga ay may nadatnan na rin siyang files sa kanyang table. Halos hindi pa nga niya iyon natatapos ay may panibago na naman. "Nagrereklamo ka yata?" mataray nitong sita sa kanya. "Hindi naman sa ganoon pero—" "Gawin mo na lang iyan. Kailangan nasa table ko na iyan at exactly one o'clock this afternoon. Dahil kailangan 'yan sa office ni Sir Jayden," anito na iniwan na siya. Napabuntong-hininga siya ng mapagmasdan ang santambak na files sa kanyang lamesa. Binuklat-buklat pa niya ang ilang folder. Wala na naman siyang magagawa pa kaya inumpisahan na niyang gawin ang pag-aayos ng mga files sa loob ng folder. Dahil lunod na lunod sa ginagawa kaya pati lunch break ay nakaligt