ABALA sa pagbuburda ng tela si Bratinella ng maging bisita niya si Sweet Summer. "Hi, cousin," bati pa nito sa kanya. "Hi. Tuloy ka. Naligaw ka yata?" "Ito naman," anito na naupo sa kalapit niya. "May gusto lang akong sabihin sa iyo na importante. Pasensiya na rin kung hindi ko agad ito nasabi sa iyo noong una pa lang. Para sana nabalaan kita. Wala kasi akong time. Alam mo naman tayong mga graduating, masyadong busy sa mga sandamakmak na projects." Napakunot ang kanyang noo. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Naalala mo ba noong nagkakuwentuhan tayo? Nabanggit ko sa iyo noon na kaya wala pa akong sinasagot na manliligaw ko ay dahil hinihintay ko pa ring bumalik sa akin ang ex-boyfriend ko. Hindi ko na rin nabanggit ang pangalan niya noon sa iyo. Sana pala sinagot ko na lang noong nagtanong