"Masyado namang mahal dito. Pwede naman ako kahit sa mumurahing karenderya lang," reklamo ko dahil nahihiya ako sa pinapakita niyang kabutihan sa akin. Hindi naman ako naghihintay ng kapalit. "Ganito ba talaga siya tumatanaw ng utang na loob?" tanong ko sa aking isipan. Masyado siyang galanti para ilibre ako rito. Parang sobra-sobra naman yata ang ginawa niyang pagbawi sa ginawa ko. Kung tutuusin ay wala naman talaga akong ginawa. Pero pinaunlakan ko na lang ang pagyaya niya sa akin dahil ayaw niyang matanggihan. Nang makahanap na kami ng pwesto ni Kobie ay nagpalinga-linga muna ako sa paligid. Wala naman akong nakitang tao na kakilala ko. Ako na rin ang humila ng silya ko bago niya pa gawin iyon sa akin. Sinusundan ko lang nang tingin ang mga kilos niya. Sininyasan niy