Chapter 11

1431 Words
Ilang oras pa lang ang lumipas. Ngayon ay meron na namang nag-request sa akin na gusto akong kausapin. "Sige na, Dahlia. Pagbigyan mo na dahil gabi-gabi niyang nire-request na kausapin mo siya. Mayaman 'yan at usap lang naman," pangungumbinsi sa akin ni Mama Lj. Para bang nahihiya ito sa lalaking nangungulit sa akin ngayon. Hindi naman kasi makulit si Mama Lj at lahi siyang walang pakialam sa mga gusto namin. Kung gusto naming sumayaw lang, sasayaw lang kami. Pero nakakapagta dahil siya mismo ang kumausap sa akin. Inisip ko na lang na malaki ang natanggap nitong extra payment o isa lang talaga itong maimpluwensiyang tao. "Teka lang muna, Mama Lj. Pag-iisipan ko muna saglit," seryoso kong sabi. Wala pa kasi ako sa mood para tumanggap ng customer. Nakakapagod din kasing makipag-table. Ang nagpapagana lang talaga sa akin ay ang pera. Tiningnan ko ang matandang tinutukoy ni Mama Lj kung saan ito nakaupo. Napabuntong hininga na lang ako dahil nakuha pa talagang mambabae ng matandang ito. Hindi na nga yata ito tinatayuan. "Usap lang?" tanong ko kay Mama Lj at naninigurado lang talaga ako. "Mama Lj, sigurado po kayo? Alam niyo naman po, ayaw kong hinihipuan ako ng mga gurang!" paalala ko kay Mama Lj. Ngumiti ito at sobrang natuwa sabay tango. "Alam ko naman. Payag ka na ba?" sabik nitong tanong sa akin. Sa huli ay pumayag na lang din ako dahil usap lang naman daw. Isa pa nahihiya na ako kakatanggi kay Mama Lj. Total siya naman mismo ang lumapit sa akin kaya pinagbigyan ko na. Isa pa ay kailangang-kailangan ko rin ng pera ngayon. Isa raw itong byudong politiko at kung tutuusin ay para ko na itong Lolo. Inalok niya ako ng maiinom at kapag hindi ko raw siya tinanggihan ay meron daw additional siyang ibibigay na malaking tip na para lang sa akin. Sa tingin ko ay mukhang hindi na yata ito tinatayuan ng kargada. Kaya nararamdaman kong safety ako sa tabi niya. Mukha rin naman siyang harmless kaya tinrato ko siya nang maayos bilang paggalang. Nagdiwang ang kalooban ko sa aking narinig. Magkakapera pala ako sa matandang 'to. "Sapat na ba ang bente mil?" bulong niya sa aking tenga kaya napangiti ako. "Dahil mabait ka sa akin kaya bibigyan kita ng malaking tip. Sabihin mo lang sa akin kung kulang pa dahil kaya kong dagdagan pa," patuloy niyang wika sa akin. Gusto ko ang mga sinabi niya, malaking tulong din iyon para sa amin ni Tiyang Lala. Pero sa kaloob-looban ko ay sobrang nandidiri talaga ako ng husto. Lalo na ngayong hinahawakan niya ang kamay ko at pinipisil. Ayaw ko sanang hawakan niya ako, paminsan-minsan niya ring hinihimas ang likod ng aking palad. Ayaw ko naman talaga ng paraan ng matandang katabi ko dahil naiinis ako kapag hinihimas ang kamay ko, pero mas okay na rin 'to kaysa himasin niya ang hita ko, lalo pa't napakatanda na niya. "I think twenty thousand is not enough," pasimple niyang sabi at tinutukoy ang tip ko. Tip ko pa lang iyan at hindi pa kasali ang bayad niya sa oras ko sa pakikipag-usap, at sa komisyon ko sa mga ininom niya. Kaya ng dahil sa sinabi niya kaya nagkaroon ako nang lakas na loob para haplusin ang kaniyang mukha sabay lagok ng inuming inalok sa akin ni tanda. Nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at nagpasalamat sa kaniya nang bigla na lang siyang humagikhik. Naglabas siya ng pera mula sa kaniyang pitaka at totoo nga ang mga sinabi niya. Higit pa sa bente mil ang binunot niya kaya hindi ko maitago ang aking tuwa. Hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi at inabot ang bayad na pinangako niya sa akin. Nang matanggap ko na ang pera niya ay nagpaalam rin ako kaagad na aalis na. Wala rin naman akong nakuhang reklamo at hinayaan lang ako sa aking pasya. Lumipat ako sa ibang upuan kung saan pwede akong mapag-isa. Hanggang sa makita ko ang mga paparating na mga lalaki at hindi ko maiwasang sulyapan ang binata habang kausap niya si Nena. Siya kaya 'yong Kobie? Iyong binanggit kanina sa akin ni Nena na kaibigan niya? Kanina kasi bago siya magsimula sa pagsasayaw niya sa stage ay pinakilala niya ako sa lalaking nagngangalang Jerome. At napapansin ko na iniiwasan niya ito. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong tanungin siya. "Tsk, kailan pa ba ako nagkaroon ng interes sa ibang tao?" saway ko sa aking isipan. Humahanga lang ako sa kaniya! Ang gwapo niya talaga kasi, hindi nakakasawang tingnan ang mukha niya. Tiningnan ko lang si Nena at ang kasama niyang lalaki habang nag-uusap. Dumako ang mga mata sa akin ni Nena at nahuli niya akong nakatitig sa kanila. Alanganin siyang napangiti sa akin at napakamot pa sa kaniyang ulo. Bumalik din naman kaagad ang atensyon niya sa kausap at mukhang seryoso ang pag-uusap nilang dalawa. Ayaw ko silang guluhin pero hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko patungo sa kanila. "Hi," nakangiti kong bati sa dalawa. Sabay silang napalingon sa akin at mukhang nagulat pa ang mga ito nang makita nila akong nasa harapan na nila ako. "Tapos ka na?" nakangiti tanong sa akin ni Nena. "Oo," seryoso kong sagot sabay sinyas ng waiter na kaagad namang lumapit sa akin. Tinanggap ko ang shot glass na inabot sa akin ng waiter at kaagad ko naman itong tinunga. "Ang gwapo ng kasama mo," sinsero kong sabi kay Nena at walang halong biro. Sinuri ko nang tingin ang lalaki at hindi ko mapigilan ang makasalanan kong mga mata na itigil ang aking titig sa pagitan ng kaniyang mga hita. Hindi ko alam kung bakit ako naging interesado na alamin kung gaano ba kalaki ang patpat na nakatago sa kaniyang pantalon. Malaki ba at mataba o maliit na mahaba? Ano kaya? Mas maganda sana kung mataba at mahaba para hindi sayang ang itsura niya. Tinatantiya ko ito base sa umbok na nakikita ko at hindi na masama dahil mukhang umabot naman ito sa standard ko. Hindi na ako inosente sa mga bagay na 'yon at alam kong masarap talaga ang lalaking kasing gwapo niya at may malaking kargada. Nakaka-satisfied gaya na lang ng espada na meron si Jomar. At kung hindi ako nagkakamali ay mukhang mas malaki pa yata ang kargada palabra nito kaysa dati kong jowa. Kung maaari ko lamang itong tingnan ay baka ginawa ko na. "May iba ba akong dapat na gawin, Dahlia?" Agaw pansin sa akin ni Nena. Base sa nakikita ko ay halatang naiilang siya sa ginawa ko. Ngumiti na lang ako sa bagong kaibigan at umupo sa gitna nila. "Uminom tayo, Nena!" Alok ko sa kaniya. "Pero wala akong ibabayad para sa mga alak na iinumin natin," tutol niya sa aking alok. "Siya ang magbabayad!" lakas loob kong turo sa kasama niyang gwapo na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinapakilala sa akin. Napangiwi naman ito sa sinabi ko bago tumingin sa mukha ni Kobie. "Um-order ka na ng gusto mong inumin, pero 'wag mo ng isali pa si Nena sa pag-inum," malamig na saway nito sa akin. Ang strikto niya at ang boses niya ay buong-buo at parang galit ito sa akin. Ayaw niyang uminom si Nena. Tama ba ako ng narinig? Pagmamay-ari ba niya si Nena at masyado naman siyang protective. Mukhang malakas yata ang tama nito kay Nena. Ang tanong mahal din ba siya? "Sure!" tugon ko sa sinabi niya at napangiti na lang. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito sa lalaking ito. Gusto kong magpapansin sa kaniya pero hindi man lang niya ako magawang sulyapan. Ang dami kong itinanong para lang makuha ang atensiyong nilalaan niya para kay Nena pero kahit na ano'ng gawin ko ay nakatitig lang siya sa mukha ni Nena. Magsasalita pa sana ulit ako nang bigla itong tumayo. Nagtaka ako ng ayain niya si Nena upang maihatid na niya ito pauwi. Hindi pa oras ng uwian kaya sinundan ko sila patungo kay Mama Lj. Binigyan ng pahintulot ni Mama Lj si Kobie na dalhin si Nena pauwi. Kaya nagbabakasakali rin ako na baka pwede na akong mag-out din ng umaga. "Paano naman ako Mamang?" sabat ko sa usapan nila habang nakangiti at sana makuha ko sa ngiti si Mama Lj. "Bakit ikaw ba si Nena?" nakataas kilay nitong tanong sa akin. Sumimangot ako. "Ano ba 'yan?!" pagmamaktol ko. Wala na akong nagawa kundi ang tingnan lang si Nena kasama si Kobie. Hinapit ni Kobie ang braso niya sa bewang ni Nena at tuluyan nang umalis. "Dahlia, sayaw mo na!" paalala sa akin ni Mama Lj bago pa ako naging tulala sa aking tinitingnan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD