Pagkatapos ng isang linggo ay nakalabas rin si Tiyang Lala sa hospital. Napakasaya ko dahil unti-unti na ring bumabalik ang dati niyang sigla. Mabuti na lang dahil nandiyan palagi si Potcholo para tulungan ako sa pag-aalaga at sa pag-aayos ng mga kailangang gawin sa hospital para makalabas si Tiyang Lala. Bumabalik na rin sa dati ang kalusugan niya at nagpapasalamat ako dahil naging maayos ang lahat matapos ang operasyon. "Potcholo, salamat talaga," sinsero kong wika matapas niyang ipasok sa kwarto si Tiyang Lala. Inalalayan niya ito ng puno ng pag-iingat at ang sinserong pasasalamat lang ang tangi kong magagawa para sa pagtulong niya sa aming mag-tiyahin. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya pero hindi ko pwedeng i-base sa utang na loob para lang tanggapin ang pagmamahal na inaa