“Summer, mahulog ka sa kanal!” bulalas at marahas na hawak ni Cess sa tangkay ng aking backpack na nakasukbit sa magkabila kong balikat at nasa aking likod, mabilis ko siyang tiningnan nang masama nang bahagya na ako doong masakal. Umubo-ubo pa ako at hinimas na ang aking dibdib. “Sino ba kasi iyang ka-text mo? Nakakahiya kapag nahulog ka diyan, paniguradong maliligo ka sa nakakasulasok na lusak diyan.”
Malakas na tumawa si Mhyka at Chyna na siyang tanging sumama sa amin, iyong iba ay may ibang mga lakad at ayaw din naman nilang manood lalo at practice pa lang. Babawi na lang daw sila kapag tunay ng game iyon, pero ngayon ay kami lang muna.
“Ang OA mo,” siko na ni Mhyka kay Cess na tawang-tawa na sa reaction ko ngayon, “Gagi, ginulat mo si Summer, tingnan mo ang mukha, at putlang-putla niya.” patuloy nitong mayroon pa iyong kasamang hampas sa mga balikat nilang dalawa ni Chyna.
“Eh, muntik na siyang mahulog kung hindi ko nahawakan.” tumatawa na ‘ring tugon ni Cess na malakas pa rin ako doong pinagtatawanan, huminga na ako nang malalim.
“Thank you ha?” turan kong may kasama nang pag-ikot sa ere ng aking mga mata, okay lang naman ako iyon nga lang hindi nga ako nahulog sa kanal masasakal naman. “Iyon ba ang gusto mong marinig na sabihin ko?” tanong kong nag-iba na ang aura.
“Lagot ka, Cess.” pananakot ni Mhyka na mabilis nang lumayo sa may aking banda.
Ilang sandali pa ay mabilis na silang tumatakbong tatlo na papalayo nang papalayo sa akin, hinahabol ko sila at pinagbabantaan na hahampasin ko ng plastic ng aking bitbit na gatorade oras na maabutan ko silang tatlo. Para kaming mga sirang naghahabulan doon patungo ng plaza, binubully pa nila ako ngayong nag bagal ko nang tumakbo.
“Pasalamat kayo, may high heels ang black shoes na suot ko!” malakas na palatak ko na bumabagal na ang pagtakbo hanggang sa tuluyan na itong mabagal na paglalakad, hinihingal ako nang dahil sa aking paghabol na ginawa sa kanila ngayong natutuwa.
“Weak, Summer, ang weak mo na!” kuro pa nilang turan na ikinapikon kong tuluyan.
Nagtawanan pa sila doong tatlo na tuwang-tuwa sa akin ngayon habang lumalapit sa kinaroroonan nilang dalawa, Pabiro kong hinampas sa kanilang likod ang plastic ng gatorade na binili ko para kay Winter. Tumawa lang sila at inakbayan na ako doon.
“Syempre joke lang iyon, Summer.” si Chyna iyon na dumikit na ang ilang hibla ng kanyang hanggang balikat na buhok sa kanyang nanlalagkit na leeg, sa aming apat ay siya ang may pinakamaliit na mga mata na animo ay nakaguhit lang sa mukha niya.
Lahat naman kami ay may singkit na mga mata, na kapag tumawa ay naglalaho iyon. Ngunit kakaiba kay Chyna na madalas naming asarin kung nakikita niya pa ba kami.
“Oo naman, maliit lang ang mata ko pero hindi noon ibig sabihin ay ganundin ang tingin ko sa inyo, masyado kayo.” napipikon niya palaging turan kapag inaasar na.
Naka-break sina Winter nang pumasok kami sa bulwagan ng plaza, maraming mga estudyante doon ang nanonood na taga ibang paaralan. Makikita iyon at makikilala sa suot nilang uniform ng kanilang paaralan. Tumpok-tumpok silang nakaupo sa mga bench na yari sa semento, mayroon ‘ding nasa labas lang at kasalukuyang kumakain ng street foods. Malayo pa lang ay nakikita ko na kaagad ang lumalabas na pawis sa katawan ni Winter nang dahil sa sinag ng haring araw na ilang oras na lang ay lulubog na iyon sa kabilang dako. Tinatamaan noon ang kanyang balingkinitan nang katawan. Pinupunasan niya ito ng maliit na tuwalyang nakasampay sa kanyang kanang balikat. Agaran na ang naramdaman kong pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Parang hindi ko kakayaning iabot sa kanya ang aking biniling gatorade na ibinilin niya. Kaharap niya ang mga kasamahang kagaya niya ay nagpupunas din ng kanilang mga pawis, ngunit nang matanaw niya ang aming pagdating ay mabilis na siya doong tumayo. Matapos na kausapin ang kanyang mga kasama ay wala siyang pag-aalinlangang humakbang papalapit na sa amin. Gusto ko na lang tumalikod at umalis doon lalo pa nang makita ko ang malawak niyang mga ngiti habang ang patang katawan ay nakatingin sa akin.
“Summer!” kaway at taas niya ng kanyang isang kamay habang lumalapit sa amin.
Kaagad na akong natigilan sa aking paghakbang, parang napatda na ang aking mga paa sa sementong aming tinatayuan. Naramdaman ko na ang pamamalo ng mga kasama kong kaibigan sa aking magkabilang balikat, alam kong kinikilig na sila dito ngayon na humahakbang pa rin papalapit sa aming banda. Hindi ko na marinig pa at maunawaan ang mga pinagsasabi nila, dahil ang tanging naririnig ko ay ang malakas na pintig at t***k ng aking pusong para bang nais na lumabas sa loob ng aking dibdib.
“Summer? Hoy, Summer?” yugyog na sa aking magkabilang balikat ni Mhyka.
Mabilis akong nagising at napakurap-kurap doon, nahihiya na akong ngumiti kay Winter na nakatayo na sa aming harapan. Nakalahad ang kanyang isang kamay sa akin habang ang mga mata niya ay punong-puno na doon nang labis na pagtataka.
“Babae, iyong gatorade raw niya nasaan na?” pinong kurot pa ni Cess sa aking isang braso na mabilis kong ikinabaling ng tingin sa kanya, parang lutang akong nagtataka.
“H-Ha?”
Malakas na tumawa si Chyna, mababakas na sa kanyang namumulang mukha ang labis na kahihiyan na bumabalot na sa hanging nakapalibot sa amin doon. Mabilis kong ini-unat ang aking dalawang kamay na nakahawak sa palstic ng gatorade niya.
“Ito,” maikli kong usal na hindi makatingin deretso sa mapanuring mga mata ni Winter. Baka kapag ginawa ko iyon ay mas himatayin na ako sa labis na kaba dito.
Nakakahiya ka Summer, anong ginagawa mo ha? Para ka diyang tanga!
Hindi ko na maiwasang pagpawisan na doon nang malamig na buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman habang kaharap si Winter. Dati-rati naman ay normal lang ako sa kanyang harapan, hindi ako kinakabahan at alam kong komportable ako.
“Salamat, Summer. Magkano?” malawak na ngiti nitong para sa aking paningin ay nakakasilaw, sa mga sandaling iyon ay mas lalo pa akong nakaramdam ng ilang dito.
“O-One hundred plus lang iyan,” medyo nauutal na tugon ko sa kanya, narinig kong mahinang tumawa na ang aking mga kasama na mas ikinakaba ko sa harapan niya.
“Okay, mamaya ko bigyan ha?” saad niyang mabilis ng kinuha doon ang isa, binuksan na niya iyon at walang pag-aalinlangan at hiya niyang nilagok sa aming harapan iyon.
Tatlong bote iyon ng gatorade na may iba’t-ibang flavor, dapat sana ay iyong malaki na ang bibilhin ko kaso ay walang stock sa convinience store na dinaanan namin. Kung kaya naman minabuti kong iyon na lang ang bilhin, at least ay mayroon pa rin.
“Sige lang,” ngiti ko na sa kanya na parang bumalik na ang aking nawalang ulirat.
Tumango lamang siya at ngumiti, matapos na magpasalamat ay muli na rin siyang humakbang pabalik sa kanyang mga kasamahan na kasalukuyang naghihintay doon. Naupo na kami sa bakanteng bench, excited na paulit-ulit silang sinulyapan na muli na namang babalik sa kanilang practice matapos na magpahinga nang panandalian.
“Ano iyon Summer, umamin ka nga sa amin may gusto ka ba kay Winter?” walang abog na tanong ni Mhyka na may kasama pang mahinang pagpingot sa aking tainga.
“W-Wala ah!” mabilis nang pagtanggi ko na naging malikot na ang aking mga mata. Hindi ko magawang tumingin sa kanilang tatlo na nakatuon ang buong atensyon sa akin, “Anong pinagsasabi niyo diyan? Para kayong sira, fiancee iyon ni Ate Autumn.”
“Iyon na nga Babae, fiancee iyon ng Ate Autumn mo pero kung makatingin ka sa kanya kanina para talagang mayroong kakaiba.” si Cess na tumingin pa sa katabi nitong si Chyna na mataman lang sa kanilang nakikinig, “Hindi ba Mhyka? Halata?”
“Oo nga, Summer.” suporta naman nitong mas ikinabigat pa ng t***k ng aking puso, “Naku, magkaka-problema ka diyan lalo na kapag hindi mo iyan magawang pigilan.”
Pagak na akong tumawa, pilit na kinakalma ang aking sarili. Never na aaminin ko sa kanila na mayroon nga akong kakaibang pakiramdam kapag tumitingin kay Winter. Kung kinakailangan na itago ko iyon sa kanilang lahat ay gagawin ko. At wala ‘ring mangyayari oras na malaman nila ito, aasarin lamang nila ako at alam na alam ko ito.
“Wala nga akong gusto sa kaniya,” kalmadong paglilinaw ko nang tiningnan na sila doon isa-isa, hinid sila kumbinsido sa naging sagot ko. At makikita iyon sa pares ng kanilang mga matang mapanuri pa ‘ring nakatingin ngayon sa akin, “Naninibago lang ako sa kanyang hitsura ngayon.”patuloy kong lalong ipinagduda ng mga mata nila.
“Sigurado ka diyan?” may himig pa rin ng pagdududa sa mga mata ni Cess.
“Oo nga, ano ba kayo? Malabong agawin ko iyon kay Ate Autumn. Alam niyo naman kung paano ko siya pahalagahan hindi ba? Kaya bakit ko naman gagawin iyon ‘di ba?” tugon ko pang umayos na doon ng upo, itinutok ko na ang mga mata sa nagsisimula nang laro nina Winter sa aming harapan, lalo pang sumidhi ang aking paghanga dito.
“She has a point,” narinig kong turan ni Chyna sa dalawa naming kasama.
Hindi na nagkomento ang dalawa naming kasama sa tinuran ni Chyna at mas pinili na lang nilang ituon ang buong atensyon sa aming pinapanood. Lalo na noong makita nilang kasama ni Winter sina Storm at Sky na nagpra-practice rin doon. At habang pinapanood namin sila ay hindi ko maiwasang lumipad ang aking isipan patungo sa aking kakaibang nararamdaman kanina habang matamang nakatitig ako kay Winter.
Pagkagusto ba ang tawag sa aking nararamdaman?
Tunay nga kaya ang hinuha ng aking mga kaibigan na may namumuo akong pag-ibig sa aking munti at batang puso para kay Winter?
Paano iyon nangyari?
Kaibigan lang ang turing ko sa kanya, dapat ay magkaibigan lang kaming dalawa.
Bago lumubog ang haring araw ay natapos ang kanilang practice, nagpaalam na rin ang aking mga kaibigan na uuwi na. Naiwan ako doong mag-isa, hinihintay ang reply ng aking kapatid na ang sabi ay hintayin ko pa siya saglit dahil hindi pa siya tapos sa kanyang research na ginagawa ngayon. Wala naman sa aking problema iyon, dahil ang mahalaga ay siya naman ang magpapaliwanag kay Mommy at Daddy mamaya.
“Wala pa ‘ring reply si Autumn?” tanong ni Winter na tahimik na nakaupo sa aking tabi, sinabi ko sa kanya kanina na mauna na siya at hihintayin ko doon ang aking Ate. Ngunit hindi iya pumayag, ika niya ay sasamahan niya akong maghintay. “Gabi na...”
“Wala pa rin,” mabilis kong iling na muling pinasadahan ng tingin ang screen ng aking cellphone, nakakaramdam na ako ng gutom ng mga sandaling iyon. Hindi ko lang ito masabi sa kanya dahil nahihiya ako, “Baka hindi pa siya tapos sa research, Winter.”
“Tawagan mo na, baka mamaya nakalimutan niyang naghihintay ka dito.”
Nahihiya na akong ngumiti sa kanya at sinunod na ang kaniyang payo sa akin.
“Sige,” tugon kong idinial na ang numero ng aking kapatid, pinagmasdan ko ang kulay kahel pang langit habang ginagawa ko ang bagay na iyon. Ilang ring pa lang ay kaagad na sinagot na iyon ng aking kapatid, “Ate Autumn nasaan ka na? Gumagabi na...”
“Kaunti na lang ito, Summer, gusto mo na bang mauna sa bahay?”
“Mga ilang minuto pa Ate? Baka abutan din tayo ng ulan, medyo madilim ang langit.” marahang kagat ko pa sa aking ilang daliri sa kamay na mabilis ng pinalo ni Winter na naging dahilan upang panandalian ako doong matigilan, sumenyas siya sa akin na huwag ko iyong gawin dahil marumi ang aking mga daliri. “Nagugutom na rin ako.” pag-iwas ko ng tingin kay Winter na nakatitig na sa akin ngayon, marahil ay nang dahil na iyon sa aking ginawang pag-amin sa aking kapatid. “Bilisan mo na, Ate.”
“Sige-sige, sandali na lang talaga ito, Summer.” tugon ng aking kapatid na alam kong tunay naman ang kanyang sinasabing dahilan sa akin, “Sino bang kasama mo diyan?”
Saglit kong nilingon si Winter na ang atensyon ay nasa hawak na niyang cellphone.
“Si Winter, nanood kami nina Cess ng practice nila sinamahan niya akong hintayin—”
“Sabihin mo sa kanya ay pakainin ka niya,” pagputol na nito sa aking mga sasabihin pa.
Mabilis na ako doong naatigilan, ilang saglit pa ay parang binabayo na ang aking dibdib nang dahil sa labis na kaba. Anong sinabi niya? Sasabihin ko kay Winter na pakainin niya ako? Hindi ba nakakahiya iyon? Baka isipin niya nag abusado ko naman!
“May malapit diyang dimsum noodle house sa may plaza, Summer. Sabihin mo sa kanya na doon kayo kumain at doon niyo na rin ako hintaying dalawa mamaya.” patuloy ni Ate nang hindi na ako sumagot sa kanyang mga sinabi sa akin doon.
Mabilis akong napakurap-kurap sa kanyang suhestiyon na dapat naming gawin ni Winter habang naghihintay sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong gawin iyon, kaya lang ay nakakahiya naman kung sasabihin ko ito ngayon nang biglaan sa kanya hindi ba?
“Pero Ate—”
“Ite-text ko na lang si Winter at sasabihin kong dalhin ka niya doon kung nahihiya kang ayain ka, don’t worry kay Mommy at Daddy. Tumawag na ako doon at sinabi ko na baka gabihin tayo ng uwing dalawa. Pasensiya na talaga, Summer.”
Wala na ako doong nagawa pa, lalo na nang tumingin at nagbaling na ng buong atensyon niya sa akin si Winter matapos na mayroong basahin sa screen ng kaniyang cellphone na hawak-hawak. Saglit na naghinang ang aming mga matang dalawa. Maya-maya pa ay maliit na siyang ngumiti sa akin, hindi ko na naiwasan pa nang bigla niyang guluhin ang aking maayos na buhok.
“Silly girl, bakit hindi mo sinasabi sa aking nagugutom ka na, Summer?” tanong pa nitong bahagyang hinila ang aking kaliwang pisngi, hindi ko na magawang tanggalin sa kanya ang aking tila nakapagkit na mga mata sa mukha niya, “Halika na, tayo na diyan.” dagdag niya pang matapos na pagpagan ang kanyang pang-upo ay inilahad na niya sa akin ang kanyang isang palad upang itayo na.