Hindi nagtagal ay tinawag na ang aming mga pangalan upang ilagay na sa section kung saan kami nababagay. Mabuti na lang at hindi kami naghiwalay dito ni Chyna. Malaking bagay iyon para sa akin dahil paniguradong maninibago ako nang sobra. Maninibago ako sa aking mga kaklaseng hindi ko naman kakilala mula sa umpisa. “Kyaah! Mabuti na lang at magkaklase pa rin tayo, Summer!” tuwang-tuwa nitong turan habang humahakbang na kami patungo sa silid na aming magiging classroom. Sinunsunsan namin ang gurong hindi ko alam kung siya ang magiging adviser namin. “Nakakatuwa lang talaga, Summer, dahil kung nagkataon na hindi ay paniguradong magiging luhaan tayo. Mahihirapan tayong mag-adjusy, ano ka ba?” sagi pa nito sa akin ng kanyang isang balikat, na lalo pang lumapad ang kanyang mga ngiti sa akin.