Natapos ang bakasyon ay hindi ko na muling nakausap si Winter, inaasahan ko na iyon dahil sa hindi ko nasagot na tawag niya ngunit nalulungkot pa rin ako nang dahil doon. Higit na masaya sana ang aking bakasyon kung lagi ko siyang nakaka-chat na gaya ng mga nakaraang bakasyon, tanging si Sky lang ang panay ang chat sa akin ng mga sandaling iyon na madalas ay pangungumusta lang sa akin. Ilang araw pa bago magpasukan ay nakipagkita ako sa aking mga kaibigan na sina Mhyka at Princess na sa ibang paaralan na mag-aaral. Hindi nakasama sa amin si Chyna na halatang busy sa pamimili ng mga gamit sa school na nagawa na namin ni Ate Autumn isang linggo bago pa magsimula ang pasukan. Nakabili na rin ako ng bagong uniform ng paaralan. “Pwede nating i-set ang weekend na friendship day.” suhestiyon ni