Mabagal at napipilitan ang aking bawat pagnguya sa pagkaing aking isinubo, pakiramdam ko doon ay maraming mga matang nakatingin sa aming dalawa ni Chyna na para sa akin ay labis na nakakailang na isipin. Sanay man kaming kumain sa gitna ng maraming student sa aming lumang school ngunit hindi ito gaya dito. Nakakaramdam kaming dalawa ng hiya na hindi naman namin nararanasan noon. Marahil ay dahil marami kami noon at ngayon ay dadalawa na lang kami ni Chyna kung kaya damang-dama namin ito ngayon. Hindi ko iyon magawang matiwasay na lunukin, at alam kong ganundin ang aking kaibigan na halos manginig na ang kamay sa kabang nararamdaman nang dahil sa presensya ni Sky. At ganundin ako lalo pa at nararamdaman ko ang panaka-nakang pagsulyap ni Winter sa aking mukha na tahimik lang na nakaupo sa ak