Chapter 3

2203 Words
Pagkatapos naming kumain doon ay nagpasya na rin kaming bumalik sa restaurant kung saan namin sila iniwan kaninang kumakain pa. Mabagal lang ang aming mga hakbang na mayroong pananantiya. Binalot na kami ng nakakabinging katahimikan doon, naririnig ko ang malakas na t***k ng aking puso na nasa loob ng aking dibdib. Panandalian kong nilingon si Winter na tahimik pa ‘ring naglalakad sa aking gilid. Nakasuksok sa loob ng magkabila niyang bulsa ang dalawa niyang palad. Bagay na sa aking paningin ay mas lalo pa sa kanyang nagpatikas ng tindig at nagpagwapo dito.   “Summer, gusto mo bang sumama sa akin sa Biyernes ng hapon after class doon sa Eskinita?” tanong niyang nagpatigil sa aking paghakbang at nagpabaling na sa kanya.   “Biyernes?”paglilinaw na tanong ko upang ikumpirma iyon sa kanya, matagal-tagal na rin nang huli kami doong pumunta ni Ate kaya naman parang nakakasabik na dito.   “Oo, okay lang ba sa’yo?”   Mabilis pa sa alas-kwatro akong tumango, gusto ko na ‘ring magtungo doon iyon nga lang ay ayaw akong samahan ni Ate Autumn na hindi ko pa rin mapilit na pumunta.   “Sige,” nakangiti ko pang tugon na bahagyang kinagat ang aking pang-ibabang labi kung saan ay may pilit na nag-uumalpas na mga ngiti, “Isama natin si Ate Autumn?”   Mabilis na nag-iwas ng tingin sa akin si Winter nang banggitin ko ang pangalan ni Ate. Marahil ay naiilang din siya na marinig ito, muli na siyang humakbang na ginaya ko.   “Inaya ko na si Autumn, kaso as usual ayaw niyang sumama.” tugon nitong marahang ikinatango ko lang, inaasahan ko na iyon ngunit bakit parang may guwang sa akin ang malamang inaya niya ang kapatid ko? Panandalian niya akong nilingon, “Ang sabi niya nga sa akin ay ikaw na lang ang ayain ko dahil paniguradong hindi ka tatanggi.”   Matabang akong ngumiti, hindi naman ako dapat na masaktan dahil alam ko naman na sila talaga ang ipinagkasundo ngunit hindi ko iyon mapigilan lalo ngayong dose anyos na ako. Ilang taon ko na rin siyang kaibigan. Kung noon ang sabi ko ay masaya na akong naging magkaibigan kami, ngayon hinahangad kong sana mas higit pa dito.   “Aah, inaya mo na pala si Ate.”   “Oo, ang sabi pa nga niya ay siya na ang bahalang magpaalam sa mga magulang mo sa’yo, hindi mo na raw kailangang mag-alalang hindi ka nila papayagang sumama.”   Muli pa akong matabang na ngumiti, kaya ko namang magpaalam kay Mommy at Daddy na hindi ko kinakailangan ng tulong niya. Siguro naman ay papayagan nila ako.   “Sige, anong rason ni Ate kung bakit ayaw niyang sumama sa atin?”   Tumingin na ako sa restaurant na aming pupuntahan, nasa malayo ang aking isipan. Siguro kung hindi tumanggi si Ate sa kanya ay hindi niya ako aayaing sumama dito.   “May projects daw siyang gagawin kasama ang group nila, bale pagkatapos nila doon dapat ay tapos na rin tayong kumain sa Eskinita para sabay kayong uuwing dalawa.”   Tumango-tango na lang akong muli, alam kong maling isipin ngunit ang napapansin ko ay palaging ako ang panakip-butas niya tuwing tatanggi sa kanya ang aking Ate. Hindi naman sa nag-iisip ako ng ibang mga bagay, pero hindi ko maiwasang isipin na siguro ay palipasang oras niya lang ako dahil sa hindi available si Ate para sa kanya.   “Favorite rin ni Ate na kumain doon,” tipid kong turan nang lumapit pa kami sa restaurant kung saan ay natatanaw ko na ang pagbaling nila ng tingin sa amin.   “Oo nga raw, kaya ang sabi niya ay bilhan na lang natin siya at kakainin niya habang pauwi kayo.” bahagya akong natigilan doon, ibig sabihin umaayos na silang dalawa?   “Nag-uusap na kayo?” harap ko na sa kanyang hindi makapaniwala ang tono ng tinig.   “Oo sa chat sa Whoseapp or sa text,” pag-amin niya na malawak pang ngumiti sa akin na kasama ang kanyang mga mata, “Iyon nga lang ay hindi naman ito madalas.”   Hindi ko maipaliwanag ang sakit na dumaan sa aking dibdib, hindi ko ma-identify kung bakit kailangan kong makaramdam noon habang nakatingin sa nakangiting mukha at maging ang mga mata ni Winter na alam kong hindi na ako ang dahilan.   “Ayon, umaayos na ang connection niyong dalawa.” saad kong nilakipan pa iyon ng masayang mga ngiti kahit alam kong taliwas doon ang sinasabi ng aking mga mata.   “Sana nga kausapin na rin ako ng Ate mo at makipag-close sa akin, wala rin naman kaming magagawa kahit na umayaw sa desisyon ng matatanda sa pamilya natin.”   Mariin ko ng kinagat ang aking pang-ibabang labi, pilit na pinipigilan na mapanguso doon. Mannerism ko iyon kapag may hindi ako nagugustuhang naririnig na bagay. Hindi pamilyar sa akin ang pakiramdam na ganito na para bang naiinggit ako sa aking kapatid. Wala sa aking isipan na nahiling na sana ako na lang ang pinili nila para kay Winter, ako na lang ang itinakda nila para sa hinaharap ay maging kanyang asawa. Naisip ko na sana magkatotoo na lang ang hiling ni Ate na sana ako na lang iyon at hindi siya, marahil ay dahil din iyon sa nabuo ko ng kaibigang relasyon kay Winter.   “Huwag kang mag-alala, aayos din iyan. Magugustuhan ka rin ni Ate, tiwala lang.” positibo ko pang saad sa kanya na bahagyang tinapik ang kanyang balikat, deep inside may heart ay kabaligtaran noon ang aking hinihiling na mangyari sa kanila. Hinihiling ko sa langit na kailanman sana ay hindi siya magustuhan ni Ate Autumn. “Mabait ka naman at saka ika mo nga kahit ayawan ka niya, tuloy pa rin naman ito.”   Tumango-tango lang si Winter sa aking litanya, muli ng ipinagpatuloy ang kanyang paghakbang. Sumunod na ako sa kanya, simpleng napapalunok na lang ng aking sariling laway dahil alam ko sa aking sarili na may punla na ng pag-ibig sa aking puso ang umuusbong na siya mismo ang may gawa at patuloy niya itong dinidiligan pa.   “Sana nga, magdilang-anghel ka diyan Summer.” lingon niya sa akin na mayroon ng namumulang magkabilang tainga, hindi ko alam kung ako lang ba iyon o nakita ko na nag-blush siya nang dahil sa aking mga sinabi. Nasasaktan ako sa reaction niya dito. “Bilis na Summer, aalis na rin yata tayo!” senyas pa ng kamay nang makita niyang natitigilan lang ako doon at hindi pa sumunod sa kanya patungo ng restaurant na ito.   “N-Nandiyan na...” pilit kong ngiti sa kanya na nilakipan iyon ng masayang mga ngiti kahit na ang totoo ay hindi naman ako masaya, dahil may guwang sa aking puso.   Kinagabihan noon ay hindi ako makatulog kahit na anong pilit kong gawin. Nakapikit ang aking mga mata ngunit ang aking isipan ay tumatakbo sa kung saan. Iniimagine ko na what if, ako ang ikakasal at itinakda ng aming mga magulang kay Winter? What if hindi iyon si Ate Autumn? Siguro ang saya-saya ko noon at mahimbing ang aking tulog. Ngunit hindi, kabaligtaran noon ang nangyari na labag pa sa kagustuhan ko ito. Bumaling ako ng pwesto sa kabilang dereksyon, alam kong bata pa ako para gugulin ang oras na mag-isip tungkol sa mga ganitong bagay. Hindi dapat ito ang iniisip ko. At ang iniisip ko dapat ay kung paano ko ipapasa ang mga subjects ko, kung paano ko gagawing maganda itong kabataan ko para pagtanda ko ay may babalikan din ako.   May gusto kaya si Winter kay Ate?   Siguro, dahil napansin ko kanina iyong pag-asa na nakadikit sa kanyang mga mata noong sabihin ko na magugustuhan din siya ni Ate sa pagdaan pa ng mga araw.   Haist! Ano naman kung may gusto siya? Eh, sila naman iyong ikakasal talaga ‘di ba?   Iritable na akong bumangon sa aking kama, hinanap ng aking mg apaa ang pambahay na tsinelas na nasa ilalim lang ng aking kama. Marahas kong kinamot ang aking ulo na naging dahilan upang mas maging magulo pa ang aking nakasambulat na buhok. Nanghahapdi na ang aking mga mata, sinipat ko ang orasan at ang sabi doon ay alas dos na ng madaling araw. Humugot ako ng malalim na hininga at dinampot ang aking favorite na turtle stuffed toy, walang imik kong isinampay iyon sa aking balikat at humakbang na palabas ng aking silid. Karatig lang noon ang silid ni Ate Autumn na halatang mahimbing na mahimbing na ang tulog sa mga oras na iyon. Ilang beses ko pang nilingon ang dahil ng pintuan ng kanyang silid, iniisip kong dito ba ako papasok.   “Kina Mommy na lang,” mahinang sambit ng paos kong tinig na humakbang na sa kaliwa kung nasaan ang kanilang silid ni Daddy, “Hindi pa rin ako makatulog ngayon.”   Madalas ko iyong gawin lalo na kapag dinadalaw ako ng insomia kung saan ay hindi pa rin talaga ako makatulog kahit na anong pilit ko. Nawala na iyon sa akin, ngunit may mga pagkakataon na may malalim akong iniisip ay nagbabalik ito at bumibisita.   “Mommy?” mahina kong katok sa pintuan ng kanilang silid na dalawa ni Daddy.   Wala doong sumagot, halatang nasa kasarapan na rin ang kanilang pagtulog ngayon. Bahagya akong ngumuso, inilibot na ang aking mga mata sa paligid. Sanay na sila sa akin na kung minsan ay lumilipat sa kanilang silid kahit na nasa gitna pa ito ng gabi. Wala naman silang reklamo doon, ang lagi lang nilang pangaral sa akin ay dapat na maging independent na rin ako kagaya ng aking Ate. Minsan kapag nag a-out of town sila ay kay Ate Autumn ako tumatabi, wala rin naman itong reklamo doon na kung minsan pa ay inaaya niya akong mag-sleep over sa kanyang silid. Nasanay din ako na katabi siyang matulog, iyon nga lang ay nais na ng aming magulang na magsolo kami.   “Paano kayo matututo niyang magsolo kung ang isa sa inyo ay palaging may nais na katabi sa higaan?” tanong iyon ni Mommy sa amin nang isang linggo na kaming nakahiwalay sa kanila at mayroon ng sariling kwarto, kung noon ay sa gitna nilang dalawa kami natutulog ngayon ay hindi na. Nagustuhan iyon ni Ate Autumn ngunit para sa akin ay hindi iyon masaya, gusto oko pa rin ang mga yakap nila kung ito ay ikukumpara sa unan na aming katabing dalawa ni Ate. “Palagi kayong nagtatabi.”   “Hindi raw po makatulog si Summer, Mommy.” sagot ni Ate na totoo naman at isa pa ay hindi rin ako sanay na matulog nang walang ilaw at natatanaw na liwanag.   “Dapat ka ng magsanay na mag-isa sa iyong higaan Summer, dalaga ka na eh.” si Daddy na may nanunuksong mga mata sa akin, “Hindi ba? Dalaga na si bunso, Ate?”   “Siya nga Daddy, dalaga na ang bunso natin.” pagsakay na doon ni Daddy.   “Don’t worry Summer, kapag nagkaroon ka na ng asawa ay hindi ka na matutulog nang mag-isa.” pangbubuska pa ni Mommy na humagalpak na ng malakas na tawa.   “Mommy?!” sambit ko na halata sa tinig ang pagtutol sa kanyang tinuran, “Ang bata ko pa tapos pag-aasawa na ang iisipin ko?” nguso kong kumagat sa hawak na bread, “No way, kapag mga thirty na ako saka ako mag-aasawa.” ngisi kong tumingin na sa aking kapatid, nasa hapag kami ngayon at masayang kumakain ng aming almusal.   “Anong tinitingin mo sa akin?” pagtataray ni Ate na umirap pa sa akin, nakabalot pa sa ulo nito ang tuwalyang ginamit sa kanyang pagligo kanina. “Aiyiee, dalaga na si Summer at pwede ng mag-asawa dahil hindi makatulog nang walang kasama sa kama niya.” hagalpak pa nito ng tawa doon na parang nananadya lang sa akin.   Tinaasan ko na siya ng kilay doon. Ang akala niya siguro ay hindi ko siya papatulan.   "Bago ako mag-asawa ay ikaw muna Ate Autumn ang mauuna.” ngisi ko doon na uminom na sa baso ng aking lumalamig na milo, inirapan niya ako halatang pikon na agad sa mga sinabi ko sa kanya. “Kaya ikaw iyong unang may makakatabing lalaki.”   “Summer!”                    “What?” halakhak ko sa hindi maipintang reaction niya, “Mali ba ang sinasabi ko Mommy?” lingon ko kay Mommy na natatawa lang sa aming dalawa, “Daddy?”   Bago pa makasagot sina Mommy at Daddy sa katanungan ko ay tumama na ang basa niyang tuwalya na nasa ulo niya sa aking likod. Malakas ko iyong ikinatawa.   “Sabi ko na eh, tama iyong hula ko noon sa kay Ate.” mahinang bulong ko sabay ngisi doon kahit na bumabagsak na ang talukap ng aking mga mata, iyon nga lang ay agad na napalitan iyon nang malungkot kong mga ngiti nang maisip kung sino ang lalaking kanyang mapapangasawa. At sa mga sandaling iyon ay muli kong nahiling na sana ay naging tama na lang noon si Ate Autumn, sana ay ako na lang ang mauna basta sa kay Winter iyon. Ngunit hindi, siya pa rin talaga itong pinapaboran ng Tadhana sa amin. “Siya ang mauunang magkaroon ng asawa at katabi sa kanyang kama.” dugtong ko pa doon na pinihit na ang seradura ng pintuan ng silid nina Mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD