Kung kanina ay nangunguya ko pa ang aking pagkain sa bibig, ngayon ay hindi ko na ito magawa pang dalhin ang hawak na kutsara sa aking bibig. Hindi ko na rin mapigilan pa na mas kabahan lalo na at nasa tabi ko lang si Winter nakaupo. Prenti iyon at para bang walang pakialam sa kanyang paligid, habang ako ay halos mawaalan na nang ulirat dito dahil sa isiping ayokong mapabalitang kasama niya. Ayokong magkaroon ng bad image sa paaralang iyon, ngunit akong magagawa ko? Siguro naman ay iisipin nilang brother in law duty lang ang mga ginagawa niya. “Wala ka bang ganang kumain ngayon?” narinig kong mahinang tanong niya, at magiging baliw ako kung sasabihin ko na hindi ako ang kanyang kausap gayong da-dalawa na lang naman kaming naiwan sa table na ito. “Mukha kang aligaga.” Mabilis na ako doong