Hindi siya natinag sa mga sinabi ko o marahil ay hindi niya ito narinig dahil sa mas lumakas na awiting pumapailanlang sa lugar. Nagawa noong itaboy at sapawan ang aking katanungan sa kanya. Muli ko iyong inulit ngunit ganun pa rin ulit ang nakuha kong reaction sa kanya. Patuloy niya pa ‘ring hinihila ang aking isang kamay patungo pa sa malayong bahagi ng likuran nang naturang gym. Nanikip na doon ang aking dibdib. May natatanaw ‘mang liwanag ay alam ko sa sarili kong sa bandang iyon ay madilim na dahil sa ang harap nito ay ang playground ng campus. Hindi naman iyon pinapailawan sa gabi. Idagdag pa na marami doong mga puno. Naramdaman ko na ang pangangatog ng aking dlawang tuhod, ang panginginig na rin ng aking kalamnan. Hindi ko lubos maisip na gagawin ito ni Winter sa akin dito. “Winter