Ilang ulit na ako doong humikab. Tinakpan ko pa ng aking isang palad ang bibig upang hindi iyon nakakahiya sa mga kapwa ko estudyanteng makakakita dito. Natulog naman ako ng tanghali kung kaya hindi ko alam kung bakit inaantok na ako eh, bagong simula pa lang ng kanilang sayawan. Nasa unang traditional dance pa lang sila. Kung alam ko lang na maiiwan lang pala ako sa upuan, sana sumama muna ako sa aking mga kaibigan na maglibot-libot sa paligid ng aming school. Bumalik na lang sana ako matapos ang isang oras. Kaso ay wala akong ideya na mangyayari ang bagay na ito ngayon ito. Ibang-iba pala ito nang noon. Kung alam ko lang sana o kung nalaman ko lang sana nang mas maaga. Kung hindi kami magkaaway ni Ate Autumn, alam ko ito. Pinilit kong idinilat ang aking mga mata kahit na nang mga sanda