Marahan na siyang umiling habang ang mga mata ay mas naging malungkot pang nakatingin sa akin. Gumalaw-galaw din ang kanyang panga habang matamang nakatuon pa rin sa aking mukha. Nababalot ng kakaibang lungkot iyon na hindi ko maarok kung saan niya nakuha. Tila ba mayroon siyang hinahanap o hindi kaya naman ay may pilit na emosyong binabasa na hindi niya magawang matagpuan. At sa bawat pilantik ng kanyang mga pilik-mata ay para bang hindi siya makapaniwala sa aking naging huling litanya. Ipinapakita noon ang estranghero niyang pagpapalipat-lipat ng tingin sa aking mga mata. Damang-dama ko sa lalim at init ng kanyang bawat hininga na pilit niyang kinukumbinsi ang kanyang sarili na ang mga sinabi kong narinig niya ay walang katotohanan. Ilang minuto pa ay mababanaag na ang pagkadismayang gum