Halos mabingi na ako sa malakas na pagtawag ni Winter ng aking pangalan. Naisin ko man siyang lingunin ay hindi ko na iyon nagawa nang mawalan na ako ng balanse at akmaang mahuhulog bago pa makaapak ang mga paa sa buhangin ng dalampasigan. Wala akong nagawa kung hindi ng ipikit na lang ang aking mga mata, tanggapin na lang na babalik ng restaurant na duguan. Lumagapak ako, ngunit hindi ako nakaramdam ng kahit na anong sakit dito. Ang alam ko ay hahampas ako sa gilid ng malaking bato. Sandali lang, hindi ba ako nahulog? Bakit parang may humihinga sa ilalim ko? Dahan-dahan ko ng idinilat ang aking mga mata. Halos manlaki na iyon nang maramdaman ko ang malambot na labi ni Winter na dumampi sa aking bibig. Mahigpit ang yakap niya sa aking katawan para siguro ay hindi ako masaktan. Hindi ako