Nais ko ng irapan ng aking mga mata si Ate Autumn. Minsan talaga parang ang kontrabida niya sa aking buhay. Kung minsan naman ay ang bait niya at parang ulirang kapatid sa akin. Ganunpaman ay hindi ko iyon ginawa, ayokong isipin ng mga kasama namin na wala akong modo at inaaway ko sa harapan nila ang nag-iisang kapatid. Syempre, ako ang lalabas na siyang masama sa amin dito. “Sa park lang naman ako ng village noon Ate, ipapasyal ko lang si Tilly.” “OMG! Nababaliw na naman ang kapatid ko, ipapasyal mo talaga ang alaga mong pusa?” OA nitong reaction na muntik nang ika-ismid ko doon, mabuti at nakapagpigil pa ako dahil malamang kung hindi ay inikutan ko na siya ng aking mga mata. Nakikinita ko na namang ayaw na naman niya sa presensiya ng aking alaga. Bagay na nangyayari paminsan-minsan. “S