Malamig ang simoy ng hangin noon at mayroong halik pa ng malagkit na ambon. Nakangiti kong binabaybay ang pathway na papasok na ng bulwagan ng parke. Hindi iyon mapalis kahit na pilitin kong itikom ang aking bibig dahil masaya ako. Nasa screen ng aking aking cellphone ang mga mata, nasa mga letra ng huling text ni Winter sa akin. Yes, muli na naman niya akong tini-text at muli na naman kaming nag-uusap gamit ang message. Kagaya ng dati ay hindi ko na binalikan pa ang alitan naming dalawa noon, ibinaon ko na iyon sa limot at alam kong kahit na kailan ay hindi ko na iyon isusumbat pa sa kanya. Siya iyong naunang mag-text sa akin kaninang umaga upang itanong kung matutuloy ba kaming dalawa ngayon. Winter: Good morning Summer, matutuloy ba ang lakad natin mamayang hapon? Mabilis na akong