Napuno ng paghanga sa kanya ang aking mga mata nang mas ikawag niya ang buntot niya sa akin. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakitang nakangiti ang alagang aso ni Winter sa akin habang hinihingal pa ito nang bahagya. To the point na lalo kong isipin na kilala niya nga akong talaga, kilala niya na ako noon pa man. “Winter, ngumiti siya sa akin!” bulalas kong mabilis ng tumayo doon, “Kita mo?” Nakatayo lang sa gilid si Winter at hawak ang tali ni Rocky, kagaya ng kanyang alagang aso ay may napipinto na ‘ring mga ngiti sa labi niyang nakatikom pa. “Ipinakilala mo na ba ako sa kanya? Bakit niya ako kilala? Bihira iyong ganyang aso na mabait kaagad sa ibang tao sa unang kita pa lang nila dito. Ang talino niya, ha.” Nagkibit lang siya ng kanyang balikat, hindi sinagot ang aking katanung