Higit pang lumapad ang aking mga ngiti doon nang tinanggal ko na ang isang sakbat ng bag sa aking balikat. Bago kami umalis ng bahay ay nilagyan ko na ng harnes si Tilly, medyo praning kasi ito sa lugar na hindi siya pamilyar kung kaya naman ay may tendency na mabilis siyang tatakbo matapos na makalabas siya ng pinaglalagyang bag. At kapag nangyari iyon ay saan ko naman siya hahanapin sa lawak ng parke at sa bilis ng kanyang pagtakbo ay paniguradong mawawala siya sa paningin ko. Hindi pa namana ako runner o mabilis na tumakbo, kaya bilang panigurado ko na rin iyon dito. Ilang beses ng ginawa iyon ni Tilly at mabuti na lang na naaabutan din siya ni Daddy. “Wait lang...” senyas kong nahihiyang ngumiti na sa kanyang naghihintay sa akin. Dahan-dahan ko ng binuksan ang zipper ng bag ni Tilly,