Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin o guni-guni ko lang din na biglang nag-iba ang hilatsa doon ng mukha ni Winter. Parang tumabang iyon at nawalan ng pakialam sa mga sasabihin ng kanyang ka-team, lalo na ni Sky. May silip din nang bahagyang pagkairita sa kanyang mga mata na hindi ko alam kung para kanino o para saan niya ito nararamdaman. Hindi ko man gustuhing punahin dahil alam kong sa bandang dulo ay ako lang din ang masasaktan, ngunit hindi mapigilan ng puso ko na mag-assume nang dahil sa pagiging over protective niya sa akin. Iba ang pakiramdam ko doon, kakaiba ang ipinapakahulugan niya sa mga gawi niyang iyon. “Sigurado ka?” game na tanong ni Winter pero may kurot ng pag-aalinlangan sa kanyang tinig na lumingon pa saglit sa akin, “Hindi ako ditonakikipagbiruan, Pre.”