Kinagabihan ay hindi ako makatulog kahit na patuloy pa rin ang buhos ng ulan. At nagbigay iyon ng malamig na klima, ngunit ganunpaman ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Pabiling-biling ako sa aking higaan na para bang mayroong kulang sa akin. Busog naman ako, at hindi rin naman ako nauuhaw. At napagod din ako sa aming ginawang paglalakad kanina sa gitna ng buhos ng ulan na parang may galit sa lupa. “Lipat kaya ako sa silid nina Mommy?” mahinang tanong ko na bumaling na naman sa kabilang dereksyon, marahas akong napapikit nang tumama ang liwanag ng malamlam na ilaw sa gilid ng aking bed. Nanghahapdi na ang aking mga mata, antok na pero ang aking isipan at patuloy pa rin ang pagbabalik-tanaw sa nangyari sa amin kanina. Hindi ko makalumutan ang mukha ni Winter, ang nakakasilaw niyang ngit