Nagmamadali ang aking mga hakbang papalayo ng gate ng school namin habang nakakuyom ang aking dalawang kamao. Nanlalamig na ang aking pakiramdam habang hindi ko mapigilan ang paglalim pa ng aking hininga. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na makaramdam ng pagtatampo at labis na pagkairita kay Winter. Bagay na hindi ko alam kung nararapat ko ba itong maramdaman at kung may karapatan ba akong magtampo sa kanyang ginawa. Sinabihan niya akong magkita kami kanina ngayong uwian namin. Pinaasa niya lang pala ako sa wala. Hindi ko maiwasang magngalit ang aking mga ngipin nang dahil sa naiisip kong pinahiya niya ako doon at pinaghintay sa wala. Excited pa naman akong makita siya kanina. Bakit nga ba ako umasa? Noon pa man ay palagi na niyang inuuna ang fiancee niya kumpara sa akin. Sino b