Ang buong bakasyon ay ginugol ko lang sa pagtatambay sa loob ng aming bahay at kung minsan naman ay sumasama ako kay Ate Autumn na lumabas din ng village. Magmula nang makasama kong lumabas si Sky ay palagi na siyang nagcha-chat sa akin. Hindi ko naman magawa siyang i-deadma dahil baka isipin nitong snob ako. “Good morning.” kunot ang noong tipa ko ng sagot sa chat niya, “Have a blessed day ahead, Sky. Ingat kayo sa mga lakad niyo at enjoy lang kayo sa bakasyon niyo diyan.” Sky: Thank you, Summer. Ikaw din. Noong araw na lumabas kami ay tumawag sa akin si Winter, ngunit dahil sobra akong naging busy sa paglilibot namin sa park ay nakaligtaan ko iyong sagutin. Nakita ko na lang iyon nang umuwi na ako ng bahay at i-scan ang aking cellphone habang nakahiga ang patang katawan sa aking k