Ilang beses kong iniiwas ang aking mga mata kay Chyna na alam kong kuryuso na kung bakit namamaga ngayon ang aking mga mata. Nagawa ko iyong ikubli kina Mommy, Daddy at Ate Autumn kanina dahil ang sabi ko ay sa school na ako kakain ng almusal kahit na ang plano ko ay hindi naman talaga ako kakain dahil sa wala akong gana ng mga sandaling iyon. Sinadya kong late na lumabas ng aking silid kahit na maaga naman akong nagising, para umarte lang ngayon. Pinili ko rin na mauna nang pumasok keysa kay Ate Autumn para hindi siya magtanong. Alam kong kukulitin niya ako, at paniguradong mapipilitan na akong umamin sa kanya. “Sigurado ka bang okay ka lang, Summer?” si Daddy na tinanguan ko lang ng marahan, sabay bigay ng tipid na mga ngiti sa kanya. Pilit kong iniiwas ang aking mga mata sa kanya dahil