Nang mga sandaling iyon ay nais kong mabilis na lang na magtatakbo papalayo sa kanila para ikubli ang tumitindi pang kaba sa aking dibdib. Ngunit kahit isipin ko iyon ay hindi ko naman magawang i-angat ang aking mga paa sa kinatatayuan kong lupa. Para akong nakadikit ang mga paa doon at kahit na anong gawin ko ay hindi ito matanggal. Lalo na nang magtama ang mga mata naming dalawa ni Winter. Saglit lang iyon dahil mabilis kong iniiwas na ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay napapaso ako sa mga titig niya sa akin na mayroong hindi ko maintindihan na pakahulugan. Marahil ay dahil iyon sa mga unreply kong message at chat niya kahapon. At baka ang buong akala niya ay galit ako sa kanya. Nakita ko kung ilang beses na kumibot ang labi niya na parang may nais na sabihin particularly sa akin