Halos sabay at parehas na kaming umiling nang paulit-ulit sa kanila ni Ate Autumn, kapwa kakulay na ng papel ang aming mukhang dalawa, sabayan pa iyon ng aming lumalalim na paghinga. Iniiwasan naming dalawa ni Ate ang mag-away lalo na kung mababaw naman ang dahilan noon. At higit sa lahat ay malalaman nina Mommy at Daddy. Hangga’t maaari ay sa aming pagitan lang na dalawa kung nagkakatampuhan. Marahil ay dahil ayaw na naming dagdagan pa ang isiping kanilang dinadala ngayon. Iyon na lang ang maiitulong namin sa kanila, ang maging magkasundo kami ni Ate. “Hindi po,” kuro rin naming saad na dalawa, umakbay pa sa akin si Ate at ngumiti nang alam kong hilaw sa kanilang dalawa. Ganundin ang aking ginawa upang aking pagtakpan ang kabang bumabalot na sa aking buong sistema. Ayokong mag-alala s