Hindi ko na nakita pa si Winter ng araw na iyon at kahit sa text ay hindi siya nakipag-communicate sa akin o nagparamdam man lang. At maging sa labas ng gate ng campus nila nang mga sumunod na araw ay hindi ko siya nakita, kahit pa magtambay ako doon sa umaga at agahan kong pumasok upang sana ay hindtayin siya. Tanging si Sky lang at ang kanilang grupo sa soccer ang palagi ko doong natiya-tiyambahang makita. Hindi ko naman ito magawang itanong kay Ate Autumn at baka bigyan niya ito ng kakaiba pang meaning. Nagkasya na akong umasa na lang na bago pa matapos ang linggong iyon ay muli kaming magkita at kumpirmahin ang pagpunta ng Eskinita. Nais kong malaman mismo sa kanyang bibig kung tuloy pa kami, baka kasi mamaya ay cancel pala. Paniguradong aasa lang ako sa wala at sasama pa ang aking kal