Chapter 46

2006 Words

Patuloy na humakbang ang bawat araw na pumapasok ako sa paaralang iyon. At magmula rin ng araw na iyon ay hindi na muli akong nakatanggap ng message mula kay Winter. Marahil ay dahil hindi naman ako nagre-reply kung kaya hindi na rin siya nag-abala pang magpadala ng message sa akin. Pilit ko rin siyang iniwasan ng mga sumunod na araw magmula nang magbaon na kami ni Chyna ng pagkain. Nagawa man ni Ate Autumn na kunan kami ng table na ookupahin sa cafe, ngunit madalas na sa labas pa rin kami kumakain ng aking kaibigan. Higit doong tahimik at maluwag. Wala rin gaanong ingay mula sa mga estudyanteng mga nakatambay. Mas nae-enjoy din namin doon ang tanghalian kahit na medyo maalinsangan pa. “Hindi ba kayo nagkakausap ni Winter, Summer?” kuryusong tanong ni Ate sa akin isang hapon, ilang buwan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD