Halos ubusin ko sa pamamagitan ng pagtungga ang tubig na aking kinuha sa fridge pagkarating na pagkarating ko ng aming tahanan. Ibinaba ko lamang si Tilly sa sala at tinungo ko na ang aming kusina. Ni hindi ko pa nga natatanggal ang leash nito na nakakabit sa kanyang katawan noon at maging ang backpack nito sa likod ko. Tila uhaw na uhaw ako ng mga sandaling iyon na para bang kapag ginawa ko iyon ay kakalma ang aking sarili at makakalimutan ang aking nakita. Patuloy pa rin sa paghuhuramentado ang aking puso sa loob ng aking dibdib. Pinalo-palo ko na ito. Pakiramdam ko ay lalabas na sila sa aking lalamunan na patuloy pang natutuyo. “Kumalma ka na, tama na, p-pakiusap. It’s not him, ibang tao iyon at hindi si Winter. Kasama ni Ate Autumn ngayon si Winter, isaksak mo iyon sa isipan mo!” Na