Chapter 53

2413 Words

Nanghahapdi pa at namumula ang aking mga mata nang sapitin ko ang aming tahanan. Ilang minuto pa akong tumambay sa may gate namin. Hindi ko na hinayaang hinatid pa ako ni Sky, sinigurado kong hindi niya ako masusundan dahil halos takbuhin ko na iyon makalayo lang sa kanya. At parang naunawaan naman niya ang nais kong mangyari. Hindi niya na ako sinundan, at nakatanggap na lang ako ng message mula sa kanya na nagsasabing mag-iingat akong umuwi ng aming bahay. Hindi na rin ako nagtangkang reply’an pa iyon kahit na nabasa ko na. Wala akong panahong gawin iyon. “Bakit ngayon ka lang? Saan ka pa nanggaling?” pambungad na tanong ni Ate Autumn na nasa may pintuan at naghihintay sa aking pagdating, sinukat niya ako ng tingin gamit ang kanyang mapanuring mga mata. Hindi ko na lang iyon pinatulan p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD