Tama nga ang kanyang sinabi, pagdating namin ng park ay naroon si Ate Autumn na nakaupo sa nakalatag na banig sa damuhan na hindi ko alam kung saan nila nakuha. O marahil ay dala nila iyon doon. Ngunit hindi siya nag-iisa, naroon sina Sky at Storm na kaharap niyang nakaupo dito na para bang mayroon silang masinsinang pinag-uusapang tatlo. Kitang-kita ko kung paano sila lumayo sa bawat isa nang lumapit na sa kanila si Winter. Ini-abot ni Ate Autimn ang bag nito sa kanya na halatang siya ang nagdala kanina. Ganunpaman ay hindi noon magawang pawiin ang aking mga ngiti na may kurot na naman ng inggit kahit pa tumabi nang maupo si Winter sa aking kapatid. Umaapaw ang aking saya sa katotohanang ang biniling mga pagkain ni Winter kanina ay para sa akin lang talaga. Hindi ko doon kahati ang aking