Itinatak ko sa aking isipan ang mga bagay na napag-usapan namin ni Sky ng gabing iyon. Subalit bago ko iyon gawin ay sinulit ko ang gabing iyon na para sa aming dalawa lang ni Winter, na kada aayain niya akong sumayaw ay pinagbibigyan ko iyon nang walang pagdadalawang-isip. Naisip ko na pagkatapos ng gabing iyon ay saka ko siya iiwasan kung kaya naman ngayon pa lang ay itinotodo ko na ito. Nais ko lang magkaroon ng marami pang alaala kasama si Winter na aking babalikan sa mga panahong pilit na akong lalayo sa kanya upang sa huli ay huwag mas masaktan pa. “Kotang-kota ka na ah, halos ayaw maupo at tumigil?” patutsada ni Chyna sa akin nang bumalik ako sa aming lamesa habang tumatagaktak ang aking pawis sa mukha, hindi ko siya pinansin doon. Tuloy-tuloy kong nilagok ang aking inumin sa baso