Naulit pa nang naulit ang aming paglabas na dalawa ni Winter tuwing sasapit ang weekend ng mga sumunod na buwan. Subalit hindi na namin napag-usapan pa ang kanyang naging huling litanya noon na gabi-gabi sa aking pumupuyat dahil sa iniisip ko kung ano sana ang isusunod niyang sasabihin sa akin na patungkol sa topic namin. At sa aming bawat paglabas ay nagawa namin itago iyon sa aking pamilya, lalo na sa aking kapatid na naging abala na rin tuwing weekend sa hindi ko malamang dahilan. “Ipapasyal mong muli si Tilly?” tanong ni Ate sa akin nang makasalubong na ako nito, buhat ko ang bag na lalagyan ng aking pusa habang tinatawag ko na siya sa mababang tono. Kakatapos lang ng swimming lessons namin noon at kababalik lang namin sa bahay, natanggap ko ang chat ni Winter at hindi na ako makapagh