Lumulubog na sa buhangin ang sandals na aking suot nang lumabas na ako doon upang sundan siya. At dahil makulimlim na sa bahaging iyon ng dagat kung kaya naman ay hindi na iyon mainit sa mga paa. Bale-baleng hubarin ko na ang aking sandals at bitbitin ngunit hindi ko iyon ginawa dahil sa nahihiya. Baka ang isipin ng mga makakakita ay feel na feel ko ang buhanginan dito. Ano na lang ang sasabihin ng makakakita sa akin, para akong isang bata? When in fact ay bata pa naman ako, iyon nga lang ay ayoko ng tawagin bata. Gusto ko na kaagad na tumanda, kagaya ng edad ni Ate Autumn sa ngayon. Maganda na ang hubog ng katawan, at halatang dalagang-dalaga na siya. “Winter, hintayin mo naman ako!” sigaw ko na inilipad lang ng marahang ihip ng hangin palayo na alam kong ni hindi man lang niya narinig