Para na akong matutumba nang dahil sa kaba. Damang-dama ko na bigla na lang naging kulay papel ang aking mukha nang dahil sa kanyang naging litanya sa akin. Hindi ko maipaliwanag na bigla na lang akong tinakasan ng lakas doon. Panandalian kong tiningnan si Winter na kagaya kong nagulat din ang reaction sa walang hiyang tinuran ni Sky sa aming harapan. Marahan ko ng kinagat ang aking pang-ibabang labi, lalo pang sumikdo ang kabang nararamdaman. Pilit kong kinalma ang aking sarili at hindi mag-react doon nang sobra. Baka naman nagbibiro lang siya sa akin ngayon? Baliw ba siya? Hihingan niya ako ng yakap bilang aking regalo sa harapan mismo ni Winter at ng iba pa niyang mga bisita? Nahihibang na talaga ang isang ito ngayon! “Bakit Summer, mahirap ba iyong ibigay?” tanong na nitong par