Malalaki ang naging mga hakbang ni Ate Autumn papalabas ng aming gate ng bahay. Sa iksi ng biyas ko ay hindi ko siya magawang abutan kahit na habulin ko pa. Tahimik pa akong tumakbo sa likod niya, hindi alintana ang ilang hibla ng buhok na dumikit na sa aking leeg na nagsimula ng labasan ng malagkit kong pawis. Nakikita ko sa bawat hakbang niya ang hindi pagmamadali, ngunit nang dahil sa mahabang mga binti niya ay aakalain mong mayroon siyang hinahabol na kailangan niyang maabutan ngayon. Habang pinagmamasdan siyang humakbang sa aking unahan ay hindi ko maiwasang isipin na kapag nadagdagan pa kaya ang edad ko, may chance ba akong tumangkad pa nang kagaya niya? Siguro naman ay oo, she was on her eleventh grade now.
“Bilisan mo na diyan, Summer.” lingon niya sa akin na may naglalaro ng kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Ang bagal-bagal mo talaga kahit na kailan. Hindi ka pwede sa mga karera ng takbuhan, magiging kulelat ka lang sa bandang dulo ng karerang ito.”
“Nandiyan na Ate, huwag mong bilisan maawa ka naman sa maikling mga biyas ko.”
Tumawa lang ito sa aking naging tugon sa kanya. Wala na ang bakas ng pagkairita sa akin kanina. At para bang hindi kami nagkasagutang dalawa sa hapagkainan kanina.
“Tatangkad ka rin naman na kagaya ko,” anitong medyo bumagal ang paghakbang.
Tumango lang ako, naniniwala ako sa kanyang sinasabi dahil parehong matangkad din naman ang aming mga magulang na dalawa. Hanggang sapitin na namin ang tapat ng paaralan ay hindi na muli kaming nag-usap na dalawa. Muli niya akong nilingon bago siya pumasok ng kanilang campus, tumango lamang ako at ngumiti. Inilipat ko ang aking lunch box sa kanang palad at ikinaway ko sa kanya ang aking kaliwang kamay. Tumango lang siya sa akin na mas lumawak pa ang ngiti sa akin.
“Text mo ako after class,” huling bilin niya na tuluyan nang sumama sa agos ng mga estudyante na papasok na ng gate ng school nila. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mag-daydream, sa susunod na taon ay sa school na rin niya ako papasok dahil sa huling taon ko na ngayon sa elementary, at hindi ko na mahintay pa ang araw na ito.
“Hindi ka pa ba papasok?” malakas na palo ng kung sinuman sa aking isang balikat, sa tono ng kanyang tinig ay alam na alam ko na kung sino iyon. Nakasimangot ko na siya doong nilingon, “Oh? Tumakbo ka ba papasok dito? Bakit pinagpapawisan ka agad?”
Si Mhyka.
Ang isa sa mga kaibigan ko at kaklase magmula noong nasa first grade kami. Halos magkasingtaas lang kami, hanggang balikat lang din ang kanyang unat na buhok. Bilugan ang kanyang mga mata, at binagayan iyon ng makapal niyang mga kilay. Medyo matangos ang kanyang maliit na ilong, namana niya iyon sa inang chinese. Halos three fourth ng aking mga kaklase ay chinese or half chinese, marahil kung kaya dito rin kami ipinasok ng aming mga magulang. Ganundin sa paaralan ni Ate. Mabibilang sa daliri ng aming palad ang student na matatawag na purong Pilipino.
“Papasok na, hinintay ko lang na makapasok ng campus nila si Ate Autumn.” nguso ko sa campus nila na halos katapat lang ng aming paaralan, kaagad niya iyong binili.
“Aah, oo nga pala.” tango-tango nito na hindi pa rin umaalis sa aking tabi, naiisip ko tuloy na baka ngayong araw ay hindi ko makita si Winter dahil mahihiya na siyang lumapit sa akin nang dahil sa kasama kong kaibigan. Inilinga-linga ko pa ang aking mga mata, umaasa na kahit saglit ay masisilayan ko siya kahit na dumaan lang dito. “May hinihintay ka pa? Bakit pinagpapawisan ka na agad?” muli niya pang ulit doon.
“Naghabulan kami ni Ate,” saad na medyo may katotohanan naman talaga, iyon nga lang mukhang ako lang ang pinagpawisan sa aming dalawa. “Kaso naiwanan ako.”
Mahina na itong tumawa, alam niya kung gaano ko pahalagahan ang aking kapatid.
“Kailan ka ba naman nanalo sa matangkad mong kapatid?”
“Tatangkad din ako, kapag na higher grades na ako.” wika kong umikot pa ang mata.
“Tigilan mo na kasi ang kakakain ng sweets, matulog ka rin tuwing tanghali.”
Malakas ko na iyong ikinatawa, pinapangaralan niya ako pero hindi niya rin naman ginagawa ang bagay na iyon at ina-apply sa kanyang sarili. Hindi rin siya mataas eh.
“Halika na nga!” marahas kong hila sa likod ng kanyang bag, “Flag ceremony na.”
Malakas lang siyang tumawa na sumunod naman sa aking paghila, dumaan na si Winter at panandalian lang na nagtama ang aming mga matang dalawa. Ni hindi siya sa akin ngumiti, hindi niya sinuklian ang mga ngiting ibinigay ko sa kanya. Sa buong klase tuloy namin ay hindi ko maiwasang isipin kung mayroon ba siyang galit sa akin.
“Hindi ka magme-merienda?” tanong ni Princess sa akin na may bitbit ng pagkain, sa kanyang likod ay naroon si Mhyka na kagaya niyang nanggaling na rin sa cafetreia.
“Busog pa ako.” tugon ko na ang mga mata ay nakapako pa rin sa screen ng aking cellphone, ang sabi ni Ate Autumn ay kinuha ni Winter ang aking number, sana pala ay kinuha ko rin ang kanyang number kay Ate para pwede ko siyang i-text ngayon. Hindi ako mapalagay na hindi niya ako pinansin, dati-rati naman kahit na mayroon akong kasam at nakita niya ay ngingiti siya sa akin. Ngunit nakakapagtaka na kanina.
“Sure ka ba diyan?” si Mhyka na naupo na sa aking tabi at ipinatong na sa armchair ng aking table ang isang order ng fried dumplings, saglit ko siyang tiningnan na nakangiti na nang malawak sa akin. “Oh, ayan binilhan na kita, akin na ang bayad.” lahad pa nito ng kanyang palad sa aking harap, “Ibigay mo na rin ‘yong softdrinks.” lingon pa dito sa kanyang kasunod na si Princess, “Tinamad ka na naman, Summer.”
Mahina lang akong tumawa at itinago na ang aking hawak na cellphone sa bulsa ng aking bag. Kinuha ko na rin doon ang aking wallet upang kumuha ng pangbayad ko.
“Hindi naman talaga ako gutom,” muling ulit ko na ibinigay na ang bayad sa kanila.
“Kailan mo pa natutunan ang salitang iyon?” pangbubuskana ni Princess na ibinigay na sa akin ang sukli sa aking ibinayad sa kanilang dalawa, “Parang hindi ikaw iyan.”
Malakas na kaming nagtawanan noon, lalo na noong segundahan pa ito ni Mhyka.
“Oo nga, parang hindi si Summer ang kasama natin ngayon na parang ibang tao.”
Hindi na ako doon nagsalita, itinusok na ang toothpick sa fried dumplings at isinubo na iyon. Baka may problema lang si Winter o malalim na iniisip kaya hindi niya ako pinansin, o baka naman hindi niya talaga ako nakita kung kaya hindi rin siya ngumiti.
“May gagawin ka mamaya after class, Summer?” si Princess habang inuubos ko ang binili nilang softdrinks, marahan akong umiling dahil wala akong natatandaang lakad.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko dahil alam ko ng mayroon na naman silang pina-plano kapag ganito na ang tanong nila sa akin, “Magpapaalam ako kay Ate Autumn.”
“Sa plaza lang, may practice doon ang soccer team ng kabilang campus.” sagot ni Mhyka na na nagtaas at baba pa ang makapal niyang kilay sa akin, kapag sinabing tagakabilang campus iyon ay mula sa school nila Ate Autumn. “Ano game? Tara?”
“Titingnan ko magte-text ako kay Ate para magpaalam.” ngiti kong naiisip na kasali nga pala doon si Winter, hindi ko na mapigilang mag-init ang magkabila kong pisngi.
“Sige, sana payagan ka dahil tuwing Monday lang naman ang practice nila eh.” wika pa ni Mhyka bago nagdesisyong lumabas ng aming silid-aralan upang magbanyo ito.
Tumatango-tangong kinuha ko na ang aking cellphone at nagtipa doon ng mensahe para sa aking kapatid. Alam kong breaktime rin naman nila ngayon kung kaya naman ay imposible itong hindi mag-reply sa akin. Sinabi ko dito ang aming plano mamaya.
Ate Autumn:
Sige, pero before five ay kailangang nakauwi na tayo sa bahay. Monday ngayon Summer, at alam mo ang ritwal ng ating pamilya tuwing unang araw ng linggo.
“Oo naman Ate, hindi ko iyon nakakalimutan.” basa ko sa aking itinitipang message, “Manonood ka rin ba sa kanila?” pahabol kong tanong sa kanya, lumapad ang ngiti.
Ate Autumn:
Hindi, mag-stay ako sa library habang nanonood ka dahil may research ako dito. Magkita na lang tayo sa parehong lugar kung saan mo ako palaging hinihintay.
“Sige Ate Autumn, thank you!”
Excited na kaming matapos ang afternoon class nang magsimula na iyon after ng lunch break. Hindi na namin mahintay pa na magtungo na sa plaza ng bayan namin.
“Sa tingin mo naroon sa practice ng soccer si Storm at Sky?” tanong ng dalawa kong katabi na bulong nang bulong habang nakaupo sa aking magkabilang gilid, nasa gitna kaming bahagi ng classroom nakaupo. “Ilang linggo ko rin silang hindi nakikita doon.”
“Oo, member iyon sila pareho hindi ba?”
“Kaya nga, saka iyong fiancee rin ng Ate ni Summer.” wika pa ni Mhyka na bahagyang nilingon ako upang kunin ang aking atensyon na hindi naman pinag-ukulan ng pansin.
Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang mga kapwa naming estudyante na maagang naiitakda ng kanilang mga magulang sa pamilyang nais nilang maging balae nila. At kadalasan ay naging sistema na iyon sa school namin, kumbaga normal na lang iyon. Mostly, nangyayari ang arranged marriage kapag nasa higher grade na kami kagaya nina Ate Autumn. Kaunti lang iyong pamilya ng mga mag-aaral dito na hinahayaan ang mga anak nilang mamili ng mamahalin nila. Half-half ang madalas na gumagawa.
“Sabihin ko kaya kay Daddy na i-fixed marriage kami ni Storm?” humahagikhik na tanong ni Mhyka na kulang na lang ay manakit ng kanyang mga katabi, naiiling akong umirap sa kanilang dalawa. Wala na akong naiintindihan sa lection ni Miss Padua na kasalukuyang english teacher namin. Masakit na nga ang tinig nito na matinis sobra, dinagdagan pa ng aking mga katabi na akala mo’y walang klase kung mag-usap. “Half naman siya kaso mukhang hindi papayag ang ina noon na kilalang pure Filipina.”
“Bakit hindi naman papayag?” kuryuso ko ng tanong sa kanilang dalawa doon.
“Sinubukan na ng family ko na ipagkasundo kami, kaya lang ayaw ng mother niya.” si Princess na biglang nalungkot nang dahil doon, “Hindi sila naniniwala sa ganun at lantaran pa niyang sinabi na ang anak nila ay may kalayaang mamili ng mamahalin.”
“Eh, ‘di mas maganda kung magpapansin ka na lang at baka sakaling magustuhan ka pa niya.” turan kong naiisip na rin si Winter, mukha na itinakda nila kay Ate Autumn.
Natapos ang pang-umagang klase namin na kaunti lang ang aking naintindihan.
“Anong ulam mo, Summer?” dukwang ni Princess na sinilip kung ano ang laman ng aking dalang baunan ng pagkain, nasa lilim na kami ng mayabong na dahon ng mga puno kung saan ay naging tambayan namin kapag kakain kami ng aming lunch. Sa halip na makipagsiksikan kami sa cafeteria ay mas pinili naming dito na tumambay, kahit maalinsangan ang ihip ng hangin ay hindi naman dito magulo at saka maingay. “Ay ang walang kamatayang boneless chicken in lemon sauce pala,” dagdag nito ng makita na ang laman ng baunan ko. “Sa akin sautee mushroom and veggies lang.”
“Gusto mo?” offer ko sa kanya ng aking maraming portion ng ulam.
Pasalampak kaming nakaupo sa balabal na paboritong dalhin ni Mhyka upang gawin naming upuan tuwing lunch. Marami kami, nasa pito yata kaming magkakaibigan. Iyon nga lang ay mas pinipili nilang sa cafeteria kumain, iyong iba naman ay umuuwi.
“Thank you, kuha ka rin ng ulam ko.”
“You’re welcome.”
Nagatuloy kaming kumain doon, sa araw na iyon ay umuwi si Mhyka sa bahay nila dahil nakalimutan niya ang lunch box niya, kung kaya naman ay kami lang ni Princess ang nasa tagpuang iyon. Kung minsan, nandoon kaming lahat na magkakaibigan.
“Inaya niyo na rin sina Chyna sa plaza mamaya?” kapagdaka ay tanong ko habang marahang ngumunguya, kaibigan namin sa ibang section ang akin ditong tinutukoy.
“Oo,” tipid nitong tugon na nagpatuloy lang sa pagkain.
“Sasama?”
“Sa tingin mo ba ay magpapahuli ba sila?” sa halip ay tanong niya sa akin doon, “Malamang, mukhang ipagkakasundo na yata siya kay Sky, eh. Iyong gwapo.”