My elementary days ended and my new journey as a senior high started from that moment. Dumalo si Winter sa munting salu-salo na naganap sa aming tahanan upang i-celebrate namin ang pagtatapos ko ng elementary. Nauna ang school namin na mag-closing samantalang ang school nila ay sa isang linggo pa. Simpleng family dinner lang iyon. At hindi lang ang pamilya niya ang invited, ganundin ang pamilya ni Sky na labis ko ng ikinailang. O marahil ay hindi lang ako sanay sa kanilang presensiyang kasama namin. “Amiga, ilang taon pa at pwede na nating ipagkasundo itong si Summer sa isa sa mga anak ko.” mungkahi ng ina ni Sky na bahagyang ikinatungo ko, sa pagkakaalam ko ay tatlo ang kanilang anak. Nagtra-trabaho na ang panganay, sumunod si Sky at ang bunso naman ay halos ka-edad ko lang na wala ngayo