Chapter Eight Lunes na lunes at nakatulala ako sa cafeteria ng school. Wala pa din akong ganang kumain. Nakatulala lang ako sa kawalan. “Celie!” malakas na tawag ni Jasmine. Nasa harap ko siya. Sabay kasi kaming mag la-lunch ngayon. “Okay ka lang ba?” tanong pa niya. I sighed. “Hindi ko alam,” sagot ko naman. “Wala kang ganang kumain?” tanong niya ulit. Umiling ako. “Hindi ko din alam,” walang ganang sagot ko ulit habang nakapangalumbaba. Nasa harap ko na ang pagkain ko pero ayokong kumain. “Sabi ni Kuya Rely, mula kahapon ka pa daw walang gana,” aniya habang nagsimula nang kumain. Napaayos ako ng upo. Kunot noong tumingin ako sa kaniya. “Kuya pa din tawag mo kay Kuya kahit na nanliligaw na siya?” nagtatakang tanong ko. Jasmine’s face turned bright red becau