Chapter Seven

2479 Words
Chapter Seven   I called Leon para mag pa-reserve ng couch sa club. Siya ‘yung organizer nung post-undas party last month. Isa din kasi siya sa mga may-ari ng club na palagi naming pinupuntahan.   Nang matapos akong mag-ayos ng mukha ko ay saktong bumakas ang pinto ng bathroom. Lumabas si Jasmine nang nakatapis lang.   “Saya mo ah,” puna ko sa kanya. Nakangiti kasi siya nang lumabas.   Nagulat ako nang sumigaw siya. “Oh, my ghad, Celie!” malakas na sigaw niya bago nagtakip nang bibig. “Oops,” sabi pa niya bago lumapit sa akin. Basang-basa pa ang buhok niya pero wala siyang pakialam. “Manliligaw daw siya!” kinikilig na sabi niya.   I laughed at her. “Oh, gosh. Hindi ko inakala na ganyan ka kiligin,” ani ko.   Napatawa din siya. “Sorry naman,” aniya. “Alam mo namang crush na crush ko ‘yon eh,”   “Alam ko,” sabi ko naman. “So get changed already. Nagbibihis na din ‘yun siguro si Kuya,”   “Sasama siya?!” pasigaw na tanong niya.   I nodded. “Yeah,” sagot ko. “Hindi niya ba  sinabi sa ‘yo?” tanong ko naman.   “Akala ko kasi joke lang ‘yon,” sabi naman niya bago kinuha ang damit niyang nasa kama. Nagbihis na siya samantalang inayos ko naman ang buhok ko.   Nang matapos ako ay saktong nakapagbihis na din si Jasmine. Nilagyan ko lang siya ng light make-up before I fixed her hair. When we were done, we went out of my room with our purse on our hands.   Bumaba na kami ni Jasmine. Kuya Rely was already waiting for us in the living room. Nakaayos na din siya.   “You two ready?” he asked as he stood up.   Tumango ako. “Yeah, let’s go?” ani ko.   “Sa akin na kayo sumabay,” sabi ni Kuya. “Pasundin mo na lang mga body guards mo, Celie,”   Tumango ako. “How about your body guards?” I asked.   “Sasama din sila. Susunod lang ang sasakyan nila sa sasakyan ko,” sabi pa niya.   I nodded before the three of us went out of the house. Nauna lang ako para makapg-usap pa sila. Kailangan ko din kasing sabihan sina Kuya Jun na hindi ako sasabay sa kanila dahil andyan naman si Kuya Rely.   “Manong Arnold,” tawag ko sa driver namin. “Nasaan sina Kuya Jun?” tanong ko.   “Nasa likod po, bakit?” ani Manong Arnold.   “Sasabay po kasi ako kay Kuya Rely papuntang club,” panimula ko. “Pwede naman pong hindi na kayo sumama pahiram nalang po kina Kuya Jun ang sasakyan para sila na lang po ‘yung sumunod sa amin. Para na din makapag pahinga po kayo ng maaga,” ani ko.   Tumango naman si Manon Arnold. “Sige po, Ma’am. Salamat po. Sasabihan ko na lang sila,” aniya.   Tumango ako. “Salamat po,” sabi ko sa kanya.   Ngumiti naman siya at nag pasalamat. Naghintay lang ako kina Kuya Rely at Jasmine. Maya-maya ay nakarating din naman sila.   “Nasabihan mo na si Manong Arnold. Siya na lang ang magsasabi,” ani ko.   Tumango naman si Kuya. Naglakad na kami papunta sa sasakyan niya.   “Sa likod na ako ah,” sabi ko sabay bukas ng backseat.   “Celie!” tawag ni Jasmine pero hindi ko na pinansin.   Kuya Rely opened the door for her. Jasmine went inside the car na pulang-pula ang mukha. Sinarado ni Kuya ang pinto sa side niya at umikot.   “Mukha mo,” bulong ko sa likod ni Jasmine. “Huwag mo naman masyadong ipahalata na kilig na kilig ka,” pang gagago ko pa.   Nilingon niya ako at pinanlakihan ng mata. Natawa na lang ako. “Shut up, Celie,” aniya.   Kuya Rely went in kaya tumahimik na ako. Hindi ko naman ibubuko kaibigan ko ‘no.   “Alis na tayo?” tanong ni Kuya Rely nang lingunin niya ako. Nang nakita kong papasok na sinaa Kuya Jun at Kuya Arman sa isang sasakyan, tumango ako kay Kuya Rely.   “Yes, Kuya. Let’s go,” sabi ko.   Kuya Rely started driving. Alam na din naman niya kung saan kami pupunta dahil regular customer din naman siya sa club na pupuntahan namin. And for your information, he was the first one who brought me there when I turned 18 years old.   Magkasabay kaming naglakad ni Jasmine papasok ng club. Nasa harap namin si Kuya Rely at sa likod naman namin  ay sina Kuya Jun at Kuya Arman.   We went straight to a couch na pinareserve ko. Nasa kabilang couch lang sina Trisha at Tamara kasama ang iba naming mga kaibigan. Sasama dapat  kami doon sa couch nila kaso andito si Kuya. Bibisita na lang siguro kami doon mamaya.   Kuya Rely called for a waiter. He was the one who ordered drink for us. Magkatabi kami ni Jasmine sa isang couch samantalang nasa harap siya namin.   “Bisita muna tayo kina Tamara?” tanong ko kay Jasmine.   Tumingin siya kay Kuya bago bumaling ulit sa akin. “Paano siya?” mahinang tanong niya na narinig ko naman din kahit na maingay na sa loob ng club.   I rolled my eyes. “We’ll be quick,” ani ko. “Wala namang kukuha ‘yan kay Kuya,” dugtong ko pa.   Sinamaan niya ako ng tingin. “Fine,”   Sabay kaming tumayo ni Jasmine kaya napatingin si Kuya Rely sa amin. Napaayos din siya ng upo. “Where are you two going?” he asked as he looked at Jasmine and I.   I pointed at the couch next to us. Nakita kong nandoon na sina Tamara at Trisha, kasama sina Wilbert at Zane pati na din ang iba pa naming kaibigan. Kuya turned to where I pointed. Nang tumango siya ay umalis na kami ni Jasmine at naglakad papunta sa couch nina Tamara.   “Hi!” malakas na bati ni Tamara nang makita niya kami.   Nakipag beso kami ni Jasmine sa mga kaibigan namin bago nila kami pinaupo. “Kanina pa kayo?” tanong ko sa kanila.   “Hindi naman,” sagot ni Trisha sabay abot sa amin ni Jasmine ng shot. Kinuha naman agad namin iyon.   “Bottoms up!” sigaw ni Tamara at sabay-sabay naming ininum iyon.   “Ugh!” napatingin ako sa bote ng inumin nila. “An gaga pa pero Black Label agad?!” malakas na tanong ko.   They just laughed at me. Naka tatlong shots pa kami ni Jasmine doon bago kami nagpaalam muna sa kanila dahil naghihintay si Kuya sa amin sa kabilang couch.   “See you on the dancefloor!” sigaw ko sa kanila bago ko hinigit si Jasmine pabalik sa couch naming nina Kuya.   “Tagal niyo,” bungad ni Kuya nang maupo na kami sa harap niya.   “Why? Missed her already?” pang-aasar ko.   Hinampas ni Jasmine ang kamay ko samantalang natawa lang si Kuya. “Oo,” sabi niya sabay abot ng shot sa amin ni Jas.   “Ang good influence mo naman, Kuya,” puna ko nang kinuha ko ang shot sa kaniya. Ngumisi lang siya nang kinuha din ni Jas ‘yung shot niya. “Kung ako babae mo, turn off na ‘ko sa ‘yo,” dagdag ko pa.   “Hindi naman ‘yan ang basehan, Celie,” sabi naman ng kaibigan ko sa tabi ko.   Mabilis na bumaling ang ulo ko sa  kaniya kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. “Ay ganon?” tanong ko na nang-aasar. “Talaga ba, Jasmine?”   Natatawang umiling lang si Kuya habang nagkikibit-balikat.   “Eh ‘di kayo na,” bulong ko sabay inom ng shot. Inunahan ko na lang silang dalawa. “Sana all,” dugtong ko pa ng pabulong.   Naka limang shots pa kami bago ko inaya si Jasmine na pumuntang dance floor. Hinigit ko na siya dahil nahihiya daw siyang iwanan si Kuya doon.   “Just dance with me, please!” sigaw ko sa kaniya.   Nangingiting tumango siya. “Pasalamat ka mas mahal kita!” sigaw niya pabalik.   Dumiretso na kami  sa dancefloor. Naiwan si Kuya sa couch. I moved my head to the beat of the music. I held Jasmine’s hand and raised it. Sumaway ako habang hawak ang kamay niya kaya napasayaw na lang din siya.   We were dancing together for quiet sometime that we didn’t realize we were already at the center of the dancefloor. Mabuti na lang at may nakita kaming mga kaibigan.   “Where is Trisha?” tanong ko ng pasigaw kay Zane nang makita ko siya. Nasa paligid lang din naman sina Wilbert at Tamara pero si Trisha ay wala.   “Bathroom,” bulong naman niya sa tenga ko.   Nagpatuloy kami sa pagsasayaw. I was banging my head while moving my body. I closed my eyes as I continued dancing. Pero mabilis din akong napadilat nang may humigit sa kamay ko. Magrereklamo na sana ako pero mabuti na lang at napigilan ko dahil nakita ko ang mukha ng boyfriend ko.   “I have been texting and calling you,” malambing na sabi niya. “Good thing I saw you here,”   I smiled at him. “I’m sorry, I forgot about my phone. Nasa loob kasi ng purse ko naiwan ko din sa couch at hindi na na-check,”   Oh, ghad. Ang sama ko namang girlfriend dahil ang totoo niyan, nakalimutan ko talaga ang tungkol sa kaniya. Nakalimutan kong magkikita pala kami dito. Higit sa lahat, nakalimutan kong may boyfriend ako, jusko.   Martin smiled at me. “It’s fine. What’s important is we’re together now,” he said as he held my waist. He started dancing kaya wala na akong nagawa kung hindi sumaway kasama niya. Lumilinga lang ako sa paligid dahil baka makita kami ni Kuya. Lagot ako.   Pero nanlaki ang mga mata ko nang na realize kong naiwan ko na si Jasmine. Mas lagot ako nito! Tumigil ako sa pagsaway at luminga sa paligid. Inalis ko na din ang hawak ni Martin sa bewang ko kaya napatigil din siya sa pagsayawa.   “What’s the matter?” tanong niya.   I shook my head at him. “I need to find Jasmine,” I said.   Martin smiled at me before he held my waist again. “I’m sure she’s just around. Let’s just dance, please,” bulong niya sa tenga ko bago ito hinalikan.   Umiling ulit ako habang kinakalas ang hawak niya sa akin. “I’m sorry, I have to go,” ani ko. “I’ll just text you later,”   Mabilis akong umalis sa gitna ng dancefloor. Wala na akong pakialam kung ano pang sasabihin ni Martin. Kahit makipag break siya, wala na din akong pake. Ang gusto ko lang ngayon ay mahanap si Jasmine pero ang galing din talaga dahil nang papabalik na sana ako sa couch ay nakita ko sila ni Kuya Rely na nagsasayaw sa gitna.   Napailing na lang ako at nagpasya nang bumalik na lang talaga sa couch. Alam ko kasing nawala na ‘yung hiya noon dahil medyo madami na ang nainom.   Nagsalin ako ng inumin sa shot glass. I downed two shots bago ko kinuha ang cellphone ko sa purse. I saw some text messages and missed calls from Martin.   I took a photo of myself bago ko ibinaba ang phone ko. I was shocked when someone sit beside me. Napatingin ako sa taong ‘yon at nakitang si Martin ‘yon.   “Good thing I found you again,” he said as put his arm on the back rest couch behind me.   I don’t want to be rude again so I just let him be. I poured the liquor on the shot glass at ibinigay sa kanya ang isa. “Cheers,” sabay naming sabi bago namin inilagok iyon.   Ibinaba ko ang shot glass sa mesa at umayos ng upo. Napatingin ako kay Martin nang hinawakan niya ang pisngi ko at iginiya ang mukha ko para bumaling sa kaniya.   “You look so pretty, Celie,” he said in a small voice.   Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya at hinalikan ako. He moved his lips so I tried to move mine. I have been in a lot of relationships. This is not new to me.   Martin and I were just kissing with my hands on my lap. Martin’s lips left mine. He kissed my jaw down to my neck. I was about to tilt my head when I felt his hand move. From my waist, it was slowly going up.   I may have been in a lot of relationships, but I never let someone touch me. Be it on a private or public place. Especially on public place! So I moved away from him and held his hand that was about to touch my chest.   My eyebrows furrowed at him. “What are you doing?” galit na tanong ko sa kaniya.   Para naman siyang nagising mula sa pagkakatulog. Kumunot din ang noo niya habang nakatingin sa akin. “What?” he asked. He looked at his hand that I was holding. Mabilis ko ding ibinaba ‘yun.   “Don’t touch me,” mariing sabi ko sa kaniya.   Napatawa naman siya. “What? You are my girlfriend. It’s just fine if I touch you,” sabi pa niya.   Nagpantig naman ang tenga ko. Major turn off. “Leave,” seryosong sabi ko.   Napailing siya nang natatawa. “Come on, Celie,” aniya. Pero nang nakitang seryoso ako ay nag seryoso na din siya. “Fine, I won’t,” he said. “Let’s just kiss,”   No effin’ way.   Mabilis akong umiling. “Just leave me alone,” sabi ko sabay atras sa upuan. Lumapit na naman siya hanggang sa napunta na akosa dulo ng couch.   Hihigitin na sana niya ang braso ko nang biglang may nagsalita. “Ma’am, may problema po ba dito?” rinig kong tanong ni Kuya Jun.   Umiling ako. “Wala, Kuya,” sagot ko. “Aalis na din naman siya,” dagdag ko pa habang nakataas ang kilay kay Martin.   Wala na siyang nagawa kung hindi tumayo at umalis. Napahinga ako ng maluwag sabay ayos ng upo. Tumingala ako kina Kuya Jun at Kuya Arman na nasa gilid ko.   “Thank y-“ hindi ko na natapos ang pasasalamat ko nang makita ko sa gilid nila ‘yung poging lalaki na crush ko.   “Boyfriend mo ‘yun?” tanong niya habang nakatingin sa akin. Napako naman ang tingin ko sa kaniya. He smirked. “You have such a bad taste in picking your boys,” he commented before he walked away.   What the hell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD